Mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagbigay ng virtual tour ng kanilang nirerentahang bahay

Marami nang celebrities ang nagpapasilip sa kanilang mga bahay pero hindi pa rin ito nakakasawa dahil talaga namang kahanga-hanga ang lahat ng nasa labas at loob nito.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Parehong kilala sa industriya ng showbiz, hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang mga kaganapan sa buhay nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Simula nang naging magkasintahan, open naman ang dalawa sa publiko at malayang pinapakilig ang fans sa tuwing nagpapaandar ng sweetness sa harap ng kamera.

Matapos ikasal nito lamang Abril 2021, patuloy na inaasikaso ng couple ang kanilang “dream house” na hanggang ngayon ay “under renovation” umano. Habang hindi pa natatapos ang kanilang pinapangarap na bahay, kasalukuyan ngayong nananatili ang celebrity couple sa kanilang “rental home”.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Sa kagustuhang maipasyal ang kanilang fans sa tinitirhan nilang bahay, napagdesisyunan ng mag-asawa na ipasilip ito sa publiko.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Huwebes, November 4 nang ibinahagi ng aktres sa kanyang YouTube channel ang vlog na pinamagatan niyang “HOUSE TOUR: OUR NEW HOME FOR NOW”.

“As you can see, nasa front door kami ngayon ng aming rental home kasi ang aming bahay talaga… ang aming dream house, pinapa-renovate pa namin,” saad ni Jessy.

Una nilang ipinakita ang living room na may simple at eleganteng interior design na may paintings na gawa sa paboritong mga artists ni Luis.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Pinabilib din ng mag-asawa ang netizens sa “decent-looking” nilang dining area at napakalinis na kusina.

Mahilig mag-workout, present din ang equipments ni Luis. Napakalawak din ng garden na talagang nagustuhan ng mag-asawa.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Sa ikalawang palapag naman ng kanilang “rental home,” makikita ang lumang gamit ng couple sa dati nilang bahay na hanggang ngayon ay pinapakinabangan pa nila.

Sa kanilang bedroom naman, may mini walk-in closet din si Jessy at Luis kung saan nakalagay ang kanilang mga damit. May sarili rin silang bathroom sa loob ng kanilang kwarto.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Ayon sa mag-asawa, talagang pinag-iipunan nila ang kanilang “dream house” kaya hindi nila masyadong pinapabongga ang kanilang “rental home” pero sa tulong ng kapatid ni Jessy na siyang namuno sa design, napakaganda naman ng naging resulta ng kanilang tinitirhang bahay.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

“Ayaw naman namin mag-super all out sa budget dahil nga, meron pa kaming isang future house,” paliwanag ni Jessy.

Sa huling bahagi ng vlog, ipinakita nila ang kaibahan noong wala pang furniture at wala pang design ang kanilang “rental home” at ang kalagayan nito nang lumipat na sila.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Sa “rental home” pa lamang nila, mapapansin na ang kagandahan nito, ano pa kaya ang kanilang pangarap na bahay? Matapos ipasilip ang tinitirhan nilang bahay, halos hindi na makapaghintay ang kanilang fans na masilip na rin ang kanilang “dream house!”