Mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo, nakabili ng bagong bahay na bunga ng kanilang masipag na pag-oonline selling

Talaga namang naging paraan na para sa karamihan ang kumita ng pera, maliit man o malakihan sa online selling magmula ng nagka-p@ndemya. Marami ang sumabak at sumubok sa pago-online selling ngunit hindi lahat ay pinalad. May mga sumubok naman at nagtagumpay dahil hindi sila nawalan ng pag-asa at sa matinding pagsisipag.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Isa na rito ay ang aktor na si Benj Manalo, isa sa cast ng “Ang Probinsyano”. Natigil pansamantala taping ng long time running show simula nang nagka-p@ndemic. Dahil dito ay mas tinutuk@n niya ang online business na itinayo kasama ang asawa na si Lovely Abella anim na taon na ang nakakaraan.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Binuo nila ang BenLy’s online shop kung saan ay maliit pa noong sila’y nagsisimula pa lamang pero dahil sa matinding sipag at tiyaga ay napalago rin nila ito ng unti-unti.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Dahil sa paglaki ng kanilang online business ay nakabili na rin sila ng bagong bahay na katas ng kanilang paghihirap na mapalago ang BenLy’s Online Shop.

“Sa mga kapwa ko ONLINE SELLERS, nakaka-PROUD kayo. SOON, magkakaroon din kayo ng tulad nito, parang panaginip salamat LORD 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 sa regalong di namin inaasahan ng asawa ko,” sabi ni Lovely noong ibinahagi niya sa kanyang Instagram ang larawan ng kanilang bagong bahay.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Ayon naman sa anak ni Jose Manalo na si Benj ay hindi dahil isa siyang artista ay binibili at tinatangkilik ang kanyang mga tinda kundi ay dahil hindi daw siya malaking pumatong sa orihinal na presyo at bukod doon ay napapasaya nila ang “lungkot ng mundo” .

Ibinahagi niya ang larawan ng bagong biling bahay nilang mag-asawa sa BenLy’s Online Shop sa Facebook kung saan ay nabanggit niyang ang lahat ng ito ay naipundar nilang mag-asawa kasama na ang 3 hanggang 4 na oras na pagtulog.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Ayon pa kay Benj ay hindi biro ang online selling pero hindi nila inaasahang mag-asawa na bahay ang makakamit nila bilang reward sa mga pagod na pinagdaanan nila.

“Sa mga kapwa online sellers na nagtiwala. Sa mga Zuki na nanood, nakitawa, nakiiyak, naki@way, bumili, nag soli, naging kaibigan, naging pamilya. Maraming salamat,” sabi ni Benj sa parehong litrato na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account.

Nagpaabot naman ng pagbati ang kapwa celebrities sa tagumpay na nakamit ng mag-asawa,

Credit: @lovelyabella_ Instagram

“Happy for you @lovelyabella_” komento ni Angelika Dela Cruz.

“Soooo proud of you, ga!!!” Sabi ni Camille Prats.

Bago pa man nakabili ng bagong bahay ang mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo ay nakabili rin sila ng brand new car na katas rin ng kanilang online selling business.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

“Mangarap ka lang sabayan mo ng sipag at tiyaga PROMISE makakamit mo 🙏🏻”, sabi ni Lovely nang ibinahagi sa Instagram ang larawan ng nabili nilang bagong sasakyan na pinangalanan nilang “Mic Mic”.