Mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla, nagpatayo ng apartment para sa mga kasambahay at kanilang mga pamilya

Binigyan ng libreng pabahay ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla ang kanilang mga kasambahay.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Ngayong p@ndemya kasi ay hindi muna pinapayagan nina Mariel at Robin na umuwi sa kani-kanilang pamilya ang kanilang mga kasambahay bilang pag-iingat na rin sa c0vid.

Credit: Mariel Padilla YouTube       

Sa kanyang pinakabagong vlog, ikwenento ni Mariel kung bakit nila naisipan ni Robin na patayuan ng bahay ang kanilang mga kasambahay.

Ayon kay Mariel, strikto umano nilang ipinapatupad sa kanilang bahay ang mga qu@rantine rule dahil may mga kasama silang bata sa kanilang bahay. Kabilang nga sa mga pansamantala munang hindi makakalabas sa kanilang bahay ay ang kanilang mga kasambahay.

Credit: Mariel Padilla YouTube

Dahil nga sa patakaran na ito ng mag-asawa kaya naman hindi muna makakauwi sa kanilang pamilya ang kanilang mga kasambahay.

Para naman hindi mag-alala ang mga kasambahay sa kanilang pamilya na naiwan nila kaya naisipan nina Mariel at Robin na patayuan ng sariling bahay ang pamilya ng mga nito. Sa ganitong paraan kasi ay magiging kampante ang kanilang mga kasambahay na nasa mabuting kalagayan ang kanilang pamilya kahit pa hindi nila mapuntahan ang mga ito.

Credit: Mariel Padilla YouTube

“Siyempre, napakahirap nun para sa kanila kasi kahit naiintindihan nila, kahit sa simula pa lang in-explain namin sa kanila kung ano ‘yung nangyayari sa mundo, napapanood nila sa news, pero siyempre dahil tao sila, they long for their family,” kwento ni Mariel.

Credit: Mariel Padilla YouTube

Dagdag ni Mariel “Nami-miss nila ‘yung pamilya nila. Siyempre, mag-aalala sila. Ang dami-daming nangyayari so mag-aalala sila sa mga pamilya nila. And we wanted to remove that worry away from them para hindi na nila ‘yon iniisip. So Robin decided to take them under his wing.”

Credit: Mariel Padilla YouTube

Sa vlog ay makikita ang apartment na ipinagawa ni Robin para sa pamilya ng kanilang mga kasambahay.

Credit: Mariel Padilla YouTube

Ipinaliwanag din ni Mariel kung bakit sila nagpasya ni Robin na buksan para sa mga non-Muslim ang apartment na noon ay mga purong Islam family lamang umano ang nakatira.

Ani Mariel, “There’s a place wherein Robin takes care of a few Muslim families. And for the very first time, we opened the doors to Christians, to Catholics like myself, for our staff. It is because they’re also sacrificing so much for their families.”

Credit: Mariel Padilla YouTube

Sa huli ay sinabi ni Mariel na kaya nila pinatayuan ng bahay ang kanilang mga kasambahay para suklian ang pagmamahal at katapatan na ipinakita ng mga ito sa kanilang pamilya.

Credit: Mariel Padilla YouTube

Aniya, “It is because they showed us loyalty, nagpakita sila ng pagmamahal sa amin at gusto naming suklian ng pagmamahal din yung ipinapakita nilang pagmamahal at mabuting serbisyo sa amin.”