Mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda, ipinasilip ang pagbabago sa kanilang pagmamay-aring farm!

Kilala bilang wais na couple, kailanman ay hindi binigo nina Neri Naig at Chito Miranda ang netizens tungkol sa kanilang mga desisyon sa buhay.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Bukod sa pagbibigay-atensyon sa mga kasalukuyang nangyayari ngayon sa kanilang buhay, pinagtutuunan din ng mag-asawang Neri at Chito ang kanilang kinabukasan. Talagang hindi maipapagkakaila na maliban sa kanilang talento bilang isang aktres at bilang frontman ng sikat na bandang “Parokya ni Edgar,” labis din silang hinahangaan dahil sa kanilang wais na investments at properties.

Linggo, October 17 nang ipinasilip ni Neri sa kanyang fans at followers sa Instagram ang pagbabago sa kanilang property sa Alfonso, Cavite na pinangalanan nilang “Miranda Farm”.

Ayon sa aktres, nagsisimula na silang magtanim. Sa mga larawang kuha niya sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang napakalawak na farm, inuumpisahan na nilang magtanim ng “fruit-bearing trees”.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Iilan lamang sa mga pananim nila sa “Miranda Farm” ay iba’t-ibang klase ng mga saging at manga, rambutan, mangosteen, avocado, langka, duhat, macapuno, siniguelas, pomelo, dragon fruit, atis at marami pang iba!

“Ayaaaaan na! Nag-uumpisa nang taniman ng kung ano anong mga fruit bearing trees sa Miranda’s Farm,” excited na balita ni Neri sa kanyang followers.

Hindi lamang “fruit trees” ang pananim nina Neri at Chito sa kanilang farm dahil kasama rin sa plano ng aktres ang vegetable garden at herbs.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Bukod sa mga nabanggit, kasama rin sa plano ni Neri ang pagkakaroon ng “grape garden” kung saan ay may detalyado siyang plano para rito.

Ayon pa kay Neri, “May gagawa na rin ng grape garden. 50-100 sq m ang papagawa ko para sa red cardinal grapes na rooted cutting from Pangasinan.”

Talagang napaka-wise! Napakarami nang gustong gawin ni Neri sa kanilang farm at sa ideya pa lamang na gagawin niya ang lahat nang naaayon sa kanyang plano, halos hindi na siya makapaghintay na magawa nila ng asawang si Chito ang mga ito.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Nakaka excite kase dahan dahan na natutupad yung dream farm ko, hihi! Tapos farmhouse naman ang sunod na papagawa kapag may budget na ulit,” saad ni Neri.

Inaasahan naman ng mag-asawang Miranda na makakapag-harvest na sila matapos ang isang taon.

“After a year, may mahaharvest na kami sa ibang mga tinanim,” ayon kay Neri.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Pangarap lamang noon, talagang walang pinapalagpas sina Neri at Chito na totohanin ang lahat at ito na ngayon ang kanilang Miranda Farm.