Tila naging isang tradisyon na para sa mag-asawang Nikka Martinez at Patrick Garcia na magsagawa ng isang maternity shoot bago nila makita ang kanilang bagong baby.
Credit: @onlypatrickgarcia Instagram
Kaya naman sa kabila ng p@ndemya, masaya sila dahil hindi naputol ang kanilang karaniwang ginagawa tuwing buntis si Nikka.
Ilang linggo bago siya manganak ay sumabak sa isang maternity shoot si Nikka. Suot ang isang see-through nude dress ay ibinida ni Nikka ang kanyang malaking baby bump.
Credit: @onlypatrickgarcia Instagram
Simple lamang ang maternity shoot ni Nikka na ginanap sa garahe ng kanilang bahay kung saan ay nakasama rin niya si Patrick na nakasuot naman ng isang blue coat.
Makikita sa serye ng mga Instagram post ni Nikka ang mga magagandang litrato nila ni Patrick na kinunan ng Nice Print Photography.
Sa isang post, inamin ni Nikka sa caption na hindi niya akalaing magkakaroon pa siya ng isang maternity shoot tulad ng ginagawa niya sa kanyang mga nagdaang pregnancy journey.
Credit: @onlypatrickgarcia Instagram
Ngunit sa tulong umano ng ilang espesyal na tao ay naisakatuparan nila ni Patrick ang isang simple ngunit napakagandang maternity shoot.
“Didn’t think it was possible to have a maternity shoot but with the help of special people… we pulled it off 💙 No make up artist, no hair stylist, no set design…Just a photographer from @niceprintphoto and outfit from @jazelsy and it still turned out better than expected!” caption ni Nikka sa kanyang post.
Ipinost din ni Patrick sa kanyang Instagram ang litrato nila ni Nikka kalakip ng isang caption kung saan ay inihayag niya ang kanyang excitement sa pagdating ng kanilang ikaapat na anak.
Credit: @onlypatrickgarcia Instagram
Ani Patrick, “Was able to do a maternity shoot in our garage.. Thank you @niceprintphoto for making this possible. Thank you also to @jazelsy & @_vinorias for our classy wardrobe!❤️ can’t wait for this little one to come out!❤️”
Inanunsyo nina Nikka at Patrick noong nakaraang January ang kanilang pagbubuntis sa ikaapat na anak nila.
At noong nakaraang February, ini-reveal nila sa lahat sa pamamagitan ng isang vlog na lalaki ang kasarian ng kanilang inaasahang sanggol.
Credit: @onlypatrickgarcia Instagram
Sa ngayon ay 32 weeks na ang ipinagbubuntis ni Nikka at ilang linggo na lamang ay makikita na nila ito.
Samantala, excited na rin ang tatlong anak na babae nina Nikka at Patrick na sina Michelle Celeste, Nicola Patrice, at Francisca Pia na makita ang kanilang baby boy. Base naman sa Instagram bio ni Nikka, papangalanan nilang Pablo ang kanilang paparating na baby boy.
Bukod sa kanyang anak kay Nikka, may isa pang anak si Patrick sa kanyang dating kasintahan na si Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.