Mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, spotted sa groundbreaking ng kanilang ipapatayong bagong bahay sa Batangas!

Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang ‘secret wedding’ ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Sa loob naman ng mahigit isang taon, maraming milestones na ang na-unlock nina Sarah at Matteo bilang mag-asawa.

Credit: @matteog Instagram

Isa na rito ang katatapos lamang na “Tala: The Film Concert” ni Sarah kung saan ay special guest niya si Matteo. Ang nasabing concert ni Sarah ay comeback concert niya na napanood noong March 27 sa KTX.ph at iWantTFC kung saan muli ay ipinamalas niya ang kanyang bagsik sa pagkanta at pagsayaw.

Mas naging extra special din ang nasabing concert ni Sarah dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay napanood siya ng kanyang fans sa concert stage kasama si Matteo. Pinakilig nina Sarah at Matteo ang mga manonood nang mag-duet sila sa kantang “Best Part of Me” ng British singer na si Ed Sheeran.

Credit: @Nasugbu.ph Facebook

Ngunit bago ang kanyang matagumpay na concert ay may isang malaking achievement pa na nakamit sina Sarah at Matteo nang magkasama.

Sa pagdiriwang kasi ni Matteo ng kanyang ika-31 kaarawan ay nagsagawa sila ng groundbreaking para sa kanilang bagong ipapatayong bahay.

Ibinahagi ng administrator ng unofficial Nasugbu, Batangas Facebook page ang mga litrato nina Sarah at Matteo na kinunan mula sa kanilang groundbreaking event para sa ipapatayo nilang bagong bahay sa Peninsula De Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas.

Credit: @Nasugbu.ph Facebook

“SPOTTED: Mr & Mrs. Guidicelli groundbreaking their future home in Nasugbu… [Photos taken by] Tassels Events and Party Needs,” mababasa sa caption ng nasabing post.

Samantala, inilarawan naman ni Matteo bilang “perfect” ang kanyang ika-31 kaarawan na ipinagdiwang niya kasama ang kanyang pamilya at siyempre, kasama si Sarah.

Credit: @Nasugbu.ph Facebook

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Matteo ang isang litrato kuha mula sa isang beach resort kung saan makikita siyang masaya kasama si Sarah, ang kanyang mga kapatid at mga magulang.

“Celebrated my 31st birthday with the Family. Perfect. To everyone out there Thank you very much for all the greetings! And please stay safe!!” sulat ni Matteo sa kanyang birthday post.

Credit: @matteog Instagram

Sina Sarah at Matteo ay ikinasal noong February 2020 sa isang Christian wedding ceremony na ginanap sa Victory Church sa Taguig City.