Mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico, ibinahagi ang video ng unang paglalakad ng kanilang anak na si Thylane

Para sa mga magulang, isang hindi malilimutang sandali ang makita ang kanilang sanggol na naglalakad sa kauna-unahang pagkakataon.

Credit: Solenn Heussaff Instagram

Pinaka-hindi malilimutan nga mga magulang ang mga unang hakbang ng kanilang anak.
Isang milestone din para sa isang sanggol ang makapaglakad sa unang pagkakataon.

Masaya namang ibinahagi ng first-time parents na sina Kapuso actress Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang panibagong milestone na na-unlock ng kanilang anak na si Thylane.

Credit: Solenn Heussaff Instagram

Matatandaan na nitong January 1 lamang ay nagdiwang si Thylane o kilala rin ng mga netizen sa kanyang palayaw na “Tili” ng kanyang unang kaarawan.

Matapos ngang magdiwang ni Thylane ng kanyang unang kaarawan ay isang panibagong milestone na naman ang kanyang na-achieve.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Sa isang Instagram story, ipinakita ni Nico ang unang paglalakad ni Thylane. Kitang-kita nga ang saya sa mukha ng first-time parents habang pinagmamasdan ang kanilang anak na unti-unting naglalakad. At siyempre, kapag ang isang bata ay marunong nang maglakad kinakailangan talaga na maayos itong nababantayan.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Sa mga unang buwan o taon kasi ng paglalakad ng mga sanggol ay kinakailangan pa nila ng suporta dahil hindi pa matatag ang kanilang mga paa at madali lamang silang matumba. Bukod rito, dapat rin na bantayan nang maigi ang isang bata kapag marunong na siyang maglakad dahil maaari siyang pumunta sa iba’t ibang bahagi ng bahay at manguha ng kung anu-anong bagay at kainin ito.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Mukhang alam naman ng mag-asawa na mas magiging challenging na para sa kanila na bantayan si Thylane dahil nakakapaglakad na ito. Sa video nga na ibinahagi ni Nico ay napa-“Oh, no!” na lamang siya habang tinitingnan si Thylane na unti-unting naglalakad.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Ani pa ni Nico sa caption ng video, “New level unlocked! We are in big trouble!”

Kamakailan lamang ay naging laman ng mga balita ang liham na isinulat ni Nico sa kaarawan ng kanyang panganay na anak.

Laman kasi ng liham ni Nico ang “12 Promises” niya para sa kanyang unang anak.

Ani Nico, “Dear #TiliBolz, Happy Birthday! You came in a very special year where most things didn’t go as planned, but you made it the best year of our lives! You are really the love of my life and here are my 12 promises to you as your dad, that that I will keep forever:”

Credit: Solenn Heussaff Instagram

Isa sa mga pangako ni Nico kay Thylane bilang kanyang ama ay mamahalin niya ito nang walang kondisyon.

Sa huling bahagi ng kanyang liham na ipinost niya sa Instagram, sinabi ni Nico na habang lumalaki si Thylane ay magdaragdag pa siya ng ilang mga pangako at hihilingin nga niya sa kanyang anak na tulungan siya nito.

Credit: Solenn Heussaff Instagram

Ani Nico, “As you grow I will add more promises and will ask you to help me.”

Sina Solenn at Nico ay ikinasal noong May 2016 sa France.