Mag-bff na sina LJ Moreno at Rufa Mae Quinto, masayang nagkita muli sa Amerika!

Muling nagkita sa Amerika ang mag-bff na sina LJ Moreno at Rufa Mae Quinto. Binisita ni Rufa Mae si LJ at ang pamilya nito na dalawang buwan pa lamang na naninirahan sa Amerika.

Credit: @rufamaequinto Instagram  

Matatandaang noong September ay nagtungo ang buong pamilya ni LJ sa Amerika para doon na manirahan. Kasama ni LJ ang kanyang asawang si basketball star Jimmy Alapag at ang kanilang tatlong anak na sina Ian, Keona at Calen.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Makalipas nga ang dalawang buwan na paninirahan nila LJ sa Los Angeles, California ay dinalaw sila ni Rufa Mae na nagmula pa sa San Francisco, California. Base sa kwento ni LJ, February pa dumating sa Amerika si Rufa Mae.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Lumipad patungong Amerika si Rufa Mae at ang kanyang anak para bisitahin lang sana ang kanyang asawa na si Trevor Magallanes. Ngunit ang ilang linggong planong pananatili nila sa Amerika ay napahaba dahil sa p@ndemya.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Sa isang vlog, ibinahagi ni LJ ang masayang reunion nila ni Rufa Mae. Kasama ni Rufa Mae ang kanyang anak na si Athena sa pagbisita niya sa bahay nila LJ kung saan ay magdamag din na nakipaglaro sa babaeng anak ni LJ na si Keona.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Nagkwentuhan ang mag-bff ng kanilang karanasan sa pagtira nila sa Amerika. Bukod dito, nakasama rin nila LJ at Rufa Mae ang ilan sa kanilang mga childhood friend o mga kababata.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Sa description ng vlog, sinabi ni LJ na masayang-masaya siya dahil nakapag-catch up sila ng kanyang matalik na kaibigan.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Kwento ni LJ, “This weekend, my good friend P-chi (a.k.a. Rufa Mae Quinto) and her beautiful daughter Athena visited our house in LA! I’m so happy that I was able to catch up with one of my best friends who I haven’t seen for a long time. P-chi felt so at home, she even did some of my household chores. 😂 Meanwhile, Keona is equally happy to be reunited with Athena, and she even vlogged their play time!”

Samantala, sa Instagram naman ni Rufa Mae ay ibinahagi niya ang video nila ni LJ habang nagro-roadtrip sa Los Angeles, California.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Nag-post din si Rufa Mae ng ilan sa mga masasayang letrato nila ni LJ kasama kanilang mga kaibigan nila.

Isang touching post naman ang sinulat ni Rufa Mae para ikwento ang matatag nilang pagkakaibigan ni LJ.

Sabi ni Rufa Mae, “Bff 👯‍♀️ @thelollicakechic and my bff road manager for almost all my life @_ryan.black ! Sila yung mga taong Kasama ko mula mag artista ako hanggang Lahat kami Na dito na sa America . Taong 1996 with Lj, taong 2020 si Ryan from back room. Also thanks @winnieguevarra and @owkay_lem and friends for the joy ride , road trip to Los Angeles! Todo na tour!”