Halos isang taon ang makalipas mula nang aminin niya na isa na siyang ina, makikitang ini-enjoy ngayon ng actress-model na si Sofia Andres ang motherhood sa piling ng kanyang anak na si Baby Zoe Natalia Miranda.
Credit: @iamsofiaandres Instagram
Madalas umani ng maraming paghanga ang magandang relasyon ni Sofia sa kanyang anak. Maging ang kanilang mother-and-daughter bonding moment ay inaabangan at pinupusuan ng maraming netizens.
Sa katunayan, agaw-pansin ngayon sa social media sina Sofia at Baby Zoe dahil sa kanilang adorable photos suot ang ilang matching outfits! Kapansin-pansin na mahilig mag-dress up ng parehong damit sina Sofia at Baby Zoe.
Credit: @iamsofiaandres Instagram
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Sofia ang ilang letrato nila ni Zoe kung saan nakasuot sila ng cute mother-and-daughter outfits.
Mula sa swimsuit hanggang bestida, ipinakita nina Sofia at Zoe ang ilan sa kanilang magagandang ternong damit. Talagang pagdating sa fashion ay goals sina Sofia at Baby Zoe.
Credit: @iamsofiaandres Instagram
Kahanga-hanga naman ang taglay na kagandahan ni Baby Zoe na hindi maitatangging namana niya sa kanyang mga magulang. Maliban din sa kanyang ganda, makikitang komportable si Baby Zoe na humarap sa camera at patunay dito ang kanyang nakakatuwang videos!
Kaya naman hindi malayong paglaki niya ay pasukin din ni Baby Zoe ang mundo ng pag-aartista o hindi naman kaya pagmomodelo.
Credit: @iamsofiaandres Instagram
Matatandaang nagsimula sa showbiz si Sofia bilang isang commercial model bago siya sumabak sa pag-arte.
Kabilang si Sofia sa mga naggagandahan at talentadong artista na nasa ilalim ng talent agency na Star Magic.
Credit: @iamsofiaandres Instagram
Taong 2012 nang unti-unting nakilala ng marami si Sofia matapos siyang mapabilang sa hit-teen drama ng ABS-CBN na ‘Princess and I’ na pinagbibidahan naman nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga ang kanyang kasikatan at noong 2013 ay bumida siya sa pelikula ng LizQuen couple na ‘She’s The One’.
Credit: @iamsofiaandres Instagram
Ngunit noong 2014 ay mas lalong umusbong ang karera ni Sofia matapos siyang gumanap bilang ‘Athena Abigail Tizon’ sa pelikula ng KathNiel na ‘She’s Dating The G@ngster’.
Samantala, nito lamang nakaraang taon, ginulat ni Sofia ang lahat matapos niyang ibahagi na isa na siyang ina.
Credit: @iamsofiaandres Instagram
Sa isang panayam, inamin naman ni Sofia na kaya nila piniling ilihim ng kanyang nobyo na si Daniel Miranda, isang professonal race car driver at nagmula sa isang mayamang angkan sa Pilipinas, ang kanyang pagbubuntis para maiwasan ang str3ss. Hanggang noong June 2020 ay tuluyan na nilang ibinunyag na mayroon na silang anak kasabay ng selebrasyon ng ‘Father’s Day’.