Isa sina Daniel Padilla, Joshua Garcia, at Zanjoe Marudo ngayon sa mga gwapo, charismatic, at talagang kinakikiligang aktor ng mga kababaihan kaya ano na lamang ang mangyayari kapag sila’y nagsama-sama na?
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
Sa layuning makalikom ng funds at donations para makatulong sa mga biktima ng bagyong Odette, itinayo ng ABS-CBN ang kanilang show sa Kumu na “Truth or Dare” kung saan ay featured ang iba’t-ibang sikat na personalidad sa showbiz.
Sa pinakabagong episode ng show, imbitado si Zanjoe Marudo na sinamahan naman ng kanyang barkada na sina Daniel Padilla, Joshua Garcia, at Hyubs Azarcon kaya naman talagang punong-puno ng tawanan at good vibes ang kabuuan ng show.
Sa kanilang pagsasama, expected talaga na maraming sikreto ang mabubunyag katulad na lamang nang isiniwalat ni Daniel sa hosts na sina Alora Samsam at Darla Sauler na may ‘matinding’ crush si Joshua sa dati nitong leading lady na si Janella Salvador.
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
“Tama. Imposibleng magkamali ‘tong mga taong ‘to,” pagsang-ayon ni Joshua sa sinabi ng kaibigan.
Bagama’t crush naman ng bayan ngayon, hindi pa rin napigilan ng karamihan ang magulat nang nalaman mula kay Daniel na may crush pala si Joshua kay Janella!
Samantala, ibinunyag din ni Zanjoe na may malaki siyang crush sa kanyang leading lady ngayon sa teleseryeng “A Broken Marriage Vow” na si Jodi Sta. Maria.
“Ako kay Jodi! Crush ko talaga ‘yon,” sabi naman ng aktor.
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
Hindi lamang dito natatapos ang katuwaan ng magbabarkada dahil natatawa rin na ginaya ni Zanjoe ang mga nag-viral na Tiktok videos ni Joshua na “Ginseng Strip 2002” at “Lollipop”. Kung napakaganda na ng version ni Joshua, may kakaiba ring kilig na hatid ang sariling version ni Zanjoe!
Maliban sa rebelasyon sa kani-kanilang crush at nakakatuwang paggawa ni Zanjoe ng sariling version sa sikat na TikTok videos ni Joshua, sumabak din sa “B@d Romance” challenge ang magkakaibigan kung saan ay hindi nila napigilang itago ang kanilang pagtawa.
Credit: @garciajoshuae Instagram
Hindi lamang dito nagtatapos ang kasiyahan sa ikaapat na gabi ng “Truth or Dare” dahil kinanta rin nila ang requests ng kanilang mga manonood na “Ako’y Sayo, Ika’y Akin” “Manila” at iba pa.
Nagkaroon din ng iilang tanungan at sagutan ang hosts at guests at isa na nga sa nakakaaliw na ibinato ni Darla ay tungkol sa pinakamabangong bahagi ng kanilang katawan na proud namang sinagot ni Daniel.
“Ako, kilikili ko,” sagot ng aktor. Kaagad naman itong inamoy ng kanyang mga kaibigan na kalauna’y sinang-ayunan siya.
Minsan lamang na nagkakasama dahil sa kani-kanilang busy na schedule, talagang expected na puno ng katatawanan ang magbabarkada kapag sila’y nagsasama na!
Kakaiba talaga maghatid ng katatawanan at saya ang magkakaibigang ito. Gwapo na, may sense of humor pa.