Magkahiwalay na mga litrato nina Bea Alonzo at Dominic Roque habang nagbabakasyon sa isang beach resort, mainit na pinag-uusapan sa social media

Isa si Kapamilya actress Bea Alonzo sa mga kinahuhumalingan ngayong aktres sa telebisyon man o sa social media.

Kamakailan lamang ay pinusuan ng maraming netizens ang ibinahaging litrato ni Bea sa Instagram kung saan ay makikita siyang nagbabakasyon sa isang beach resort.

Credit: beaalonzo Instagram

Litaw na litaw sa beach photo ng 33-taong gulang na aktres ang walang kupas niyang kagandahan at karisma habang nagbibilad sa araw hawak ang isang flute glass na may lamang champagne.

Isang araw pa lamang ang makalipas matapos ibahagi ni Bea ang kanyang beach photo ay umabot na kaagad sa mahigit kumulang 556,096 ang nakuhang likes nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Samantala, naging sentro naman ng usap-usapan sa social media ang nasabing litrato ni Bea matapos ma-spottan ng mga netizen ang nali-link sa kanyang aktor na si Dominic Roque na tila ay nasa parehong beach kung saan kinunan ang kanyang litrato.

Sa ipinost na litrato ni Dominic sa kanyang Instagram ay makikita ngang nasa parehong beach spot siya kung saan nag-pose si Bea sa kanyang beach photo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

May hawak din ang 30-taong gulang na aktor na isang flute glass na tulad ng hawak ni Bea sa kanyang litrato.

Dahil nga sa parehong lokasyon kung saan kinunan ang kani-kanilang beach photo bumaha ang mga komento ng mga netizen na magkasamang nagbabakasyon ang dalawang artista sa isang beach resort.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Bago ang nasabing litrato nila ay nauna nang nag-post sina Bea at Dominic sa kani-kanilang Instagram stories ng kanilang litrato kung saan kapansin-pansin na iisa lamang ang view ng mga ito.

Sa isang hiwalay na Instagram post din ay nagbahagi si Dominic ng isang litrato kung saan ay naka-pin ang Amanpulo sa Curoy, Palawan bilang lokasyon.

Mas lumakas tuloy ang espekulasyon ng maraming netizens na magkasamang nagbabakasyon sa Amanpulo ang ‘rumored celebrity couple’.

Credit: dominicroque Instagram

Na-spottan din ng mga netizen ang ibinahagi nilang litrato ng isang romantic dinner date setup sa kani-kanilang Instagram story.

Sa magkahiwalay na litrato ay makikita ang parehong table setup at maging ang view kung saan nila kinunan ang kanilang mga litrato.

Samantala, hindi lamang ito ang unang beses na na-spottan sina Bea at Dominic na magkasama sa iisang lokasyon.

Credit: dominicroque Instagram

Matatandaan na noon lamang January ay nag-post din sina Bea at Dominic ng kani-kanilang mga litrato habang kumakain sa isang steak restaurant sa Manila.

Sa kanilang mga ipinost na litrato ay kapansin-pansin nga na kumakain sila sa iisang restaurant at mistulang nagde-date.

Sa kabila ng makailang beses na na-spottan sila sa iisang lugar, wala pa ring opisyal na pahayag na inilalabas ang dalawang celebrity tungkol sa kanilang tunay na relasyon.