Magkaibigang Rufa Mae Quinto at LJ Moreno, pinasaya ang mga netizen sa kanilang pamamasyal sa mga dinarayong tourist spot sa San Francisco sa Amerika!

Ipinasyal ng magkaibigang Rufa Mae Quinto at LJ Moreno ang kanilang mga YouTube subscriber sa San Francisco, California.

Credit: The WANDER MAMAS YouTube

Sa panibagong vlog update ng kanilang joint YouTube channel na “The Wander Mamas” ay mapapanood ang pamamasyal nina Rufa Mae at LJ sa ilang sikat na landmarks at tourist spots sa San Francisco kasama ang ilang Pinoy na naging locals na sa lugar.

“Wander around San Francisco with The WandderMamas. Mag tour, kumain, at tumawa with LJ, Rufa Mae, and our friends in the Bay!” pahayag nina Rufa at LJ sa kanilang vlog.

Credit: The WANDER MAMAS YouTube

Una nilang pinuntahan ang pamosong Golden Gate Bridge na isa sa mga ipinagmamalaking imprastraktura sa San Francisco. Ayon sa kwento ng mga kaibigan nina Rufa at LJ na sina Roi at Yoliesel, itinayo ang nasabing tulay noong 1933 at ngayon ay naging popular na pasyalan na ng mga turista.

Credit: The WANDER MAMAS YouTube

Sunod nilang pinasyalang magkakaibigan ang napakagandang Palace of Fine Arts na ayon sa pananaliksik ng mga kaibigan nina Rufa at LJ ay itinayo ng arkitektong si Bernard Maybeck.

Credit: The WANDER MAMAS YouTube

Namangha naman si Rufa sa kanilang sunod na pinuntahang sikat na landmark ng San Francisco na Lombards Street dahil sa taglay nitong romantic vibe. Dahil mahilig sa mga bulaklak, kaya naman masayang-masaya si Rufa na makapunta sa isa sa mga pamosong landmark sa lugar na kilala naman bilang “Crookedest Street in the World”.

Credit: The WANDER MAMAS YouTube

At siyempre hindi nawala sa kanilang listahan ang kilalang Fisherman’s Wharf sa San Francisco na dinarayo rin ng mga turista. Habang naglalakad-lakad sa lugar ay nagkwento sina Rufa at LJ sa mga maaaring puntahan mula sa Fisherman’s Wharf tulad ng Alcatraz Island na dating kulungan at ngayon ay isa nang tourist spot.

Credit: The WANDER MAMAS YouTube

Huling stop naman nina Rufa at LJ sa kanilang San Francisco tour ay ang Pier Market kung saan sinubukan nila ang ilang masasarap na seafood dishes.

Samantala, nag-enjoy naman ang mga netizen sa vlog nina Rufa at LJ. Anila, parang nakapamasyal na rin sila sa San Francisco dahil sa vlog ng mga ito. Komento ng netizens:

Credit: The WANDER MAMAS YouTube

“Hello wander mamas Lj and Ruffa nice watching ur vlog para nka tour dn kami😍👍❤”

“What a nice tandem! You complement each other! Good Luck to your Vlog”

“Yessss.Iba ang tandem nyo…Nakakawala ng stresssss.gogogo.”

Si Rufa Mae ay nagpunta sa US noong nakaraang taon para sa isang maikling bakasyon upang ipagdiwang ang Valentine’s Day kasama ang kanyang asawa na kasalukuyang nakabase sa San Francisco. Ngunit ang sana’y isang maikling bakasyon ay tumagal hanggang sa panahong ito dahil sa p@ndemya.

Samantala, si LJ at asawang si PBA star Jimmy Alapag ay lumipat sa Los Angeles, California noong nakaraang taon. Ayon kay Jimmy, ang nag-udyok sa kanilang desisyon na umalis ay ang epekto ng p@ndemya sa kanyang basketball career dito sa bansa.