Magkakaibigang Kim Chiu, Angelica Panganiban, at Bela Padilla, nagdiwang ng ikatatlong anibersaryo ng pagkaibigan sa Subic

Isa sa mga pinakamagandang pakiramdam sa mundo ay ang pagkakaroon ng isang kaibigan na magiging kasama mo sa pinakamalungkot at pinakamasayang sandali ng iyong buhay. At kung natagpuan mo na ang iyong matalik na kaibigan sa buhay, bawat segundo na kasama mo siya o sila ay dapat lang na ipagdiwang.

Credit: Kim Chiu YouTube          

Kaya naman, masayang ipinagdiwang ng magkakaibigang Kim Chiu, Angelica Panganiban at Bela Padilla o kilala bilang ‘AngBeKi’ ang ikatlong anniversary nila bilang magkaibigan.

Credit: Kim Chiu YouTube

Napiling ipagdiwang ng magkakaibigan ang kanilang ikatlong anniversary sa magandang lugar ng Subic, Zambales.

Credit: Kim Chiu YouTube

Ibinahagi ni Kapamilya Chinita Princess sa kanyang pinakabagong vlog na inupload ang nangyaring anniversary getaway nila sa Subic.

Credit: Kim Chiu YouTube

Sa vlog, makikita na nang-gatecrash ang tatlong magkakaibigan sa isang birthday party na dinaluhan din ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Credit: Kim Chiu YouTube

Kahit hindi sila pormal na inimbita o kahit hindi nila kilala ang birthday celebrant ay game na game pa rin sila na maki-party. Sa katunayan, dahil sa pagiging natural na palakaibigan nina Kim, Angelica at Bela ay madali lang nilang naging kaibigan ang mga tao sa naturang party.

Credit: Kim Chiu YouTube

Sa sumunod na araw, ay nagpunta sa isang beach island sina Kim, Angelica at Bela sakay ng isang speedboat.

Maghapon din silang nagtampisaw sa malinaw at magandang dagat ng Subic. Suot ang kanilang mga swimsuit ay kumuha ng maraming larawan ang magkakaibigan na ibinahagi naman nila sa kani-kanilang social media account.

Credit: Kim Chiu YouTube

Sa Instagram photo na ibinahagi ni Bela ay naglagay siya ng caption na, “Daming quotes na applicable saming tatlo, pero kay Kimmy na yun hahaha [laughing emoji]”

Credit: Kim Chiu YouTube

Nag-post din si Angelica sa kanyang Instagram ng isang larawan nilang magkakaibigan. Caption ni Angelica sa IG post, “Naging sapat ang buhay dahil sa inyo [sun emoji]”

Sa description naman ng vlog ni Kim, sinabi niyang kahit hindi sila madalas na nagkikita-kita, kapag nagkita naman daw umano sila ay palagi raw ‘r!ot of fun’.

Credit: Kim Chiu YouTube

Ani Kim, “Hi everyone! Celebrating our 3 years of friendship. We may not see each other that much because of our busy schedules, but when we do it, it’s always a R!OT of FUN!!!”

Credit: Kim Chiu YouTube

Sa huli, nagpasalamat si Kim dahil nabiyayaan siya ng mga kaibigan na katulad nina Angelica at Bela.

Credit: Kim Chiu YouTube

Aniya, “As the saying goes, ‘We all have that friend who you may not see very often, but when you reconnect it just feels like yesterday.’ I am lucky to call them my friends!”

Credit: Kim Chiu YouTube

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Kim, Angelica at Bela taong 2017 nang mag-gatecrash o pumunta sa isang party sina Kim at Bela kung saan hindi sila imbitado. Sakto namang nandoon din ang actress na si Angelica.