Magkapatid na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis, may sweet birthday message para sa kanilang Australianong ama na nagdiwang ng ika-78 na kaarawan!

Isang sweet birthday message ang isinulat ng celebrity siblings na sina Anne Curtis-Smith at Jasmine Curtis-Smith para sa kanilang Austrilianong ama na si James Ernest Curtis-Smith sa ika-78 kaarawan nito noong February 26.

Credit: @jascurtissmith Instagram

Nag-post si Anne ng kanyang hindi malilimutang larawan kasama ang kanilang Daddy James. Isang sweet caption naman ang isinulat ng It’s Showtime host sa kanyang Instagram post para ipahayag ang kanyang pagmamahal para sa kanilang ama.

Ani Anne, “Happy birthday to the man I wouldn’t mind getting stuck on a Ferris wheel with 🎡 My walking book of wisdom! Happy 78th father dearest! #1989”

Credit: @annecurtissmith Instagram

Samantalang si Jasmine ay nag-post ng ilang nakatutuwang litrato niya kasama ang ama. Ang isang litrato ay kinunan pa noong dekada 90. Ibinahagi rin ni Jasmine ang pinaka-latest na litrato nila ng kanyang Daddy James.

Mensahe naman ni Jasmine para sa ama, “Happiest birthday to our old man today, he turns 78 😎 here’s a lil throwback to the 90’s, 2020 and last pic… our most updated pic! 🤣”

Marami naman sa mga kasamahan nina Anne at Jasmine sa showbiz ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa kaarawan ng ama ng celebrity siblings. Kabilang dito sina Karylle Padilla, Dominic Roque at Teddy Corpuz.

Credit: @jascurtissmith Instagram

Ang mga magulang ni Anne at Jasmine ay hiwalay na.

Sa isang panayam noong 2013, ibinahagi ni Anne na 16 taong gulang pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Ang ina ni Anne na si Carmen Ojales ay isang Pinay na nakilala naman ni James noong nagbabakasyon siya sa Pilipinas. Gayunpaman, nananatili pa rin silang mabuting magkaibigan.

Pagkatapos ding maghiwalay nina Carmen at James, ay nag-asawa muli si James ng isang Pinay.

Credit: @jascurtissmith Instagram

Ayon sa ilang balita, nakabase na ngayon sa Pilipinas si James na isang lawyer. Habang si Carmen naman ay kasalukuyan ngayong nasa Melbourne, Australia kasama ang bunsong kapatid nina Anne at Jasmine na si Thomas James.

Matatandaan na kaya sa Australia nanganak si Anne ay dahil nandoon ang kanyang Mommy Carmen.

Mahigit isang taon din na nanatili sina Anne at ang kanyang mister na si Erwan Heaussaff at kanilang napakagandang anak na si Dahlia Amélie sa Melbourne, Australia bago sila umuwi ng Pilipinas nito lamang February.