Magkasintahang Benjamin Alves at Chelsea Robato, kinagiliwan ng netizens dahil sa kanilang “Red Light, Green Light” parody

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang South Korean survival drama series na “Squid Game”.

Credit: @benxalves Instagram

Kinahuhumalingan ito ngayon ng maraming netizens lalong-lalo ng mga Pinoy dahil sa kakaiba nitong storya kung saan ang mga bida ng serye ay kailangang maglaro ng ilang children’s games para manalo ng malaking halaga ng pera.

Isa naman sa pinakasikat na children’s game na ginawa ng mga kalahok sa “Squid Game” ay ang “Red Light, Green Light.” Dahil nga sa popularidad ng nasabing pambatang laro, kaya naman milyon-milyon netizens ang gumagawa ng parody nito.

Credit: @benxalves Instagram

Nagsilipana sa iba’t ibang social media platforms ang nakakaaliw na parody video ng nasabing bahagi ng sikat na K-drama. Maging ang mga sikat na celebrity nga ay hindi nagpahuli at gumawa rin ng kanilang bersyon ng “Red Light, Green Light.” Kabilang na rito ang Kapuso actor na si Benjamin Alves at ang kanyang kasintahan na si Chelsea Robato.

Credit: @benxalves Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ni Chelsea ang nakakaaliw na parody video nila ni Benjamin kung saan makikitang nagsuot pa sila ng iconic green tracksuit na sinuot naman ng mga bida sa nasabing K-drama series.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benjamin Alves (@benxalves)

Ang napiling gayahing karakter ni Benjamin ay si Player 218 a.k.a. Sang Woo habang si Chelsea ay nagpanggap bilang si Player 067 a.k.a. Kang Sae Byeok. At hindi lamang nagbihis si Chelsea ng green tracksuit kundi ginaya rin niya ang hairstyle, make-up at ekspresyon ng mukha ni Kang Sae Byeok na ginampanan naman ng supermodel at aktres na si HoYeon Jung na isa sa mga pinakamamahal na karakter ng maraming netizens sa serye.

Credit: @benxalves Instagram

May special participation din ang napakacute na alagang aso ng celebrity couple na si Nala sa kanilang ginawang parody na nagpanggap naman bilang ang sikat na “Squid Game” doll.

Biro naman ni Chelsea sa caption ng kanyang post, “She’s gonna get us k!lled.”

Credit: @benxalves Instagram

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 150K ang nakapanood ng video nina Benjamin at Chelsea. Pumatok din ang panggagaya ng magkasintahan sa maraming netizens. Samantalang umani naman ng papuri ang naging pag-arte ni Nala sa nasabing video. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Astg. Kalako una tiktok effects ung una. Pede ka nga tlga double hehehe”

“Too cute and funny! repeated it 100x”

Credit: @benxalves Instagram

“Nala is a paid actress”

“HAHAHAHAHA you guys are the cutest”

“Omg this is the cutest video ever. I watched again and again. Haha”