Magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache, patuloy na pinapakilig ang fans sa kanilang mga sweet photos sa Amerika!

Patuloy na naghahatid ng kilig vibes sa maraming fans ang pinakabagong real-life celebrity couple ngayon na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Credit: @yescppicache Instagram

Matatandaan na kamakailan lamang ay ginulantang nina Edu at Cherry Pie ang kanilang mga tagahanga nang kumpirmahin nila ang kanilang relasyon.

Unang lumabas ang haka-hakang may namamagitan sa dalawa nang ma-spottan silang sweet na sweet habang nagbabakasyon sa New York City kasama ang ilan nilang kaibigan.

Tila naging tulay naman ang patok na romantic serye na kanilang kinabibilangan na “Marry Me, Marry You” para magka-developan sina Edu at Cherry Pie.

Credit: @yescppicache Instagram

Lingid sa kaalaman ng lahat, gumaganap bilang estranged couple sina Edu at Cherry Pie sa nasabing Kapamilya TV series.

Pagkatapos namang aminin ni Edu sa TV anchor na si Cheryl Cosim na magkasintahan na sila ni Cherry Pie noong November 19, maraming fans ang muling kinilig matapos ibahagi ng veteran actress ang ilang sweet photos nila habang nagcu-cruise sa Florida, United States.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Cherry Pie ang sunud-sunod na sweet photos nila ni Edu habang ini-enjoy ang paglubog ng araw sa Winter Haven, Florida.

Kapansin-pansin ang pagiging romantic at candid ng dalawang batikang mga artista habang naglalayag sa isang yate kasama ang kanilang mga kaibigan.

Credit: @yescppicache Instagram

Pahayag ni Cherry Pie sa caption ng kanyang post, “My Winter Haven Florida visit was definitely heavenly!!! It was so nice to touch base with dearest friends who have become family. Thank you so much Honculada fam, @unggoymuffin, Eric, Father and everyone !!! See you all next year!!!”

Kalakip ng caption ni Cherry Pie ang mga hashtag na “cruisinginstyle,” “vitaminsea” at “thankfulgratefulblessed.”

Samantala, bumaha naman ang heart reactions sa comment section ng post ni Cherry Pie mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz at kanilang mga supporter. Komento pa ng ilang netizens:

“I am soooo genuinely happy for you and Papa @realedumanzano #KiligMuch May every sunset and sunrise be yours to savor together”

Credit: @yescppicache Instagram

“ang sweet! Happy that both of you are happy!”

“Kahit may edad na kayu edu kileg parin kayu”

“Mas kinikilig pa po ako sa inyo kesa sa mga batang love team”

“Ay ay lab it road to forever sana all”