Magkasintahang Jessy Mendiola at Luis Manzano, engaged na!

Engaged na ang matagal nang magkasintahan na sina Kapamilya host Luis Manzano at TV actress Jessy Mendiola. December 12 ang piniling araw nina Luis at Jessy na i-anunsyo ang kanilang engagement.

Credit: Jessy Mendiola Instagram         

Sa kani-kanilang Instagram account, ipinost ng magkasintahan ang kanilang sweet photo kung saan highlight ang diamond engagement ring na suot ni Jessy.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

“The HowHows #jessgotlucky,” ito ang caption ng magkasintahan sa kanilang mga larawan.

Credit: Luis Manzano Instagram

Bago ang kanilang official announcement ngayong araw ay maraming espekulasyon na ang lumabas na engaged na nga sina Luis at Jessy. Ito ay matapos ma-spottan si Jessy suot ang isang diamond ring.

Credit: Pat Dy Instagram

Sa loob ng kanilang apat na taon na relasyon ay marami nang pagsubok at kontrobersiya na pinagdaanan sina Luis at Jessy. Ngayon na ikakasal na sila ay pinatunayan lamang nila na nalampasan nila ang mga ito.

Credit: Pat Dy Instagram

Matatandaang noong August 22, sa vlog ni Jessy, ay nagkaroon sila ng “heart-to-heart” talk ni Luis kung saan ay matapang niyang inamin na pinagdudahan niya ng konti ang mga sinasabi ni Luis na papakasalan siya nito.

Credit: Pat Dy Instagram

Ikwenento ni Jessy na dahil sa kanyang trust issues ay kinuwestiyon niya kung mangyayari nga ba ang mga sinasabi ni Luis na papakasalan siya nito.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

“Meron ba akong sinabi sa iyo na hindi mo pinaniwalaan or nagduda ka ng konti?,” tanong ni Luis kay Jessy.

Credit: Luis Manzano Instagram

Tugon naman ni Jessy, “Na papakasalan mo ‘ko. Syempre kasi maraming detractors…It’s more like dadating kasi sa point na will it ever happen kaya? Totoo kaya ‘yung sinasabi niya? Kasi syempre lahat naman tayo may trust issues din…It’s a normal thing.”

Sa nasabing vlog ay sinabi naman ni Luis na “hindi naman kaduda-duda” na papakasalan nga niya ang aktres.

Credit: Luis Manzano Instagram

Samantala, labis naman ang kasiyahan ng mga kaibigan nina Luis at Jessy sa kanilang engagement. Komento ng matalik na kaibigan ni Luis na si Alex Gonzaga, “Congrats and mabuhay helmet ni jessy!”

Saad naman ni Anne Curtis, “Congratulations again you two.”

Credit: Luis Manzano Instagram

Ani ng komedyanteng si Vice Ganda, “O loko! Ayan naaaaaaaa!!! Congrats munchie!”

Noong June 25, 2016 nang maging magkasintahan sina Jessy at Luis.