Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagsama sa isang digital movie ang real-life celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles.
Credit: @kimsmolina Instagram
Noong June 11, unang napanood ng netizens ang kanilang pelikulang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na isinulat ng batikang direktor na si Darryl Yap.
Ang pelikula ay tungkol sa isang babaeng may C0ngenital Insens!tivity to P@in (CID) o isang taong hindi nakakaramdam ng sak!t. Maliban din dito ay hindi rin alam ng karakter ni Kim kung paano magmahal.
Credit: @kimsmolina Instagram
Gumaganap naman si Jerald bilang si ‘Ng0ngo’, isang lalaking may cl3ft pal@te at maaaring maging susi para makaramdam muli ang karakter ni Kim.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Kim at Jerald kamakailan lamang ay inamin niyang kumpiyansa siyang tatangkilikin ng manonood ang kanilang pelikula.
Credit: @kimsmolina Instagram
Aniya, “May tiwala kami sa material at confident kami na tatangkilikin din ng netizens, since digital ang movie. Ang pressure ay hindi kung madaming manonood o hindi. May tiwala ako sa material ni Darryl Yap.”
Gayunpaman, sinabi ni Kim na nakakaramdam siya ng ‘pressure’ lalo na’t unang beses nilang magsama ni Jerald sa iisang pelikula.
“Trailer pa lang namin, sobrang nakakataba ng puso and I’m very grateful to be working with Darryl, as a friend and a wonderful director. Ang pressure ko po ay ang first time na magkasama kami ng jowa ko sa screen ng matagal,” pag-amin pa ni Kim.
Matatandaang nagkasama na dati sina Kim at Jerald sa isang acting project ngunit hindi sa pelikula kundi sa hit-Filipino musical na “Rak of Aegis.”
Credit: @kimsmolina Instagram
Samantala, ikwenento naman ni Jerald na sabay silang nag-adjust ni Kim habang ginagawa ang pelikula. Tinodo raw nila ni Kim ang kanilang performance dahil unang beses nilang mapanood ng tao sa isang pelikula at gusto nilang hindi ito makakalimutan ng tao.
“Masyado kaming 0C sa kung ano ‘yung kayang ibigay ng isa’t isa. Kasi, kung dalawa na kaming magkasama sa project na ‘to, gawin na nating project na matatandaan ng tao, kasi dalawa na tayo,” sabi ni Jerald.
Mixed emotions naman si Jerald dahil nabigyan sila ng oportunidad ni Kim na magsama sa iisang proyekto.
Credit: @kimsmolina Instagram
“Nakakakilig at nakakatuwa ang nangyayari sa amin individually. Nakaka-KathNiel. Bihira lang kasi ang mga couple na may project together, especially now,” pahayag ni Jerald.
Sobra rin ang pasasalamat ni Kim sa kanyang management dahil sa mga oportunidad na ibinibigay ng mga ito sa kanya.
Saad ni Kim, “To sum it all up, I’m very, very grateful to my management for all the opportunities. Isa po akong batang nangarap na natutuwa na lahat ng pangarap niya natutupad.”
Sina Kim at Jerald ay 7 taon nang magkasintahan at nito lamang simula ng p@ndemya ay inamin nilang sa iisang bubong na sila nakatira.