Magpinsan na sina Donna Cruz at Geneva Cruz, muling nagkita at nagkasama pagkatapos ng ilang taon

Nagmula sa pamilya ng magagaling na mang-aawit sa bansa sina Donna Cruz at Geneva Cruz at isa nga sila sa mga kinikilalang “best singers” sa industriya natin kahit noon pa man.

Credit: @genevacruzofficial Instagram

Matapos ang limang taong hindi pagkikita ng magpinsan na si Donna at Geneva ay hindi nila napigilan pareho ang mag-bonding nang sa wakas ay muling nagkita noong Hulyo 8.

Sa ibinahaging video ni Geneva sa Instagram ay makikita ang kanyang pagsalubong sa pinsan sa labas ng hotel. Napatakbo pa nga ang singer sa excitement nang lumabas si Donna sa sasakyan nito.

Sa buong araw na pagsasama ni Geneva at Donna ay marami silang nagawa lalo na’t matagal-tagal rin silang hindi nagkita. Isa na nga sa ginawa ng magpinsang Cruz ay ang pagti-Tiktok kung saan pareho silang napasabak sa pagda-dub at pagsayaw.

“First time Tumiktok at naki #tiktok ever! Hahaha! Si Gen ang pasimuno kasi eh! Ang kuleeeet! 😂 Pati sila Carl and Arls napa join at nag enjoy!” pahayag ni Donna sa kanyang caption matapos i-post ang video ng Tiktok kasama si Geneva sa Instagram.

Credit: @genevacruzofficial Instagram

Nagkomento rin ang isa pa nilang pinsan na si Sunshine Cruz sa mismong post ni Donna, ang aktres na si Vina Morales, at fans ng magpinsan.

“❤️❤️❤️,” simpleng komento ng aktres na si Sunshine.

“ahahahahaha sayaaaaaaa , sali ako Dyan hahahaha TikTok pa moreeeee hahahaha,” sabi ni Vina.

Sa ngayon ay umabot na ng 13,686 likes ang kanilang Tiktok video sa Instagram kung saan ay naaliw ang kanilang mga fans.

Credit: @genevacruzofficial Instagram

Sa parehong araw ay nagbahagi rin ang singer at aktres na si Donna sa kanyang Instagram account ng isang larawan kung saan ay makikitang magkayakap sila ng pinsan na si Geneva at parehong nakangiti sa kamera.

“Cousins by bl0od, sisters by heart 👯‍♀️ ❤️🥰🎶💄” sabi ni Donna sa kanyang caption.

Credit: @genevacruzofficial Instagram

Samantala, nag-post rin ng parehong larawan si Geneva sa kanyang Instagram kalakip ng isang lumang larawan nilang dalawa noong sila’y bata pa.

“One of the most beautiful faces I’ve ever seen in my life, and one of the best multimedia stars this country has ever produced: @donnacruzofficial 🥰,” pahayag ni Geneva sa kanyang caption.

Nagkomento naman si Donna sa larawang ibinahagi ni Geneva at sinabing miss na niya ulit ang pinsan kahit kakatapos pa lamang nila magkita.

Credit: @genevacruzofficial Instagram

“Miss you already kahit kakakita lang ❤️❤️❤️… happy and grateful na nagkasama, chika, kulitan at first time naka tiktok ever na kayo pa kasama ko!”

Iba talaga ang tuwa na naramdaman ng mag-pinsan ng muling magkita matapos ang ilang taon. Sinulit talaga nila ang bawat minutong magkasama.