Magpinsan na sina Thylane Bolzico at Dahlia Amèlie Heussaff, nagkita na sa kauna-unahang pagkakataon!

Nagkita na sa kauna-unahang pagkakataon ang dalawa sa mga pinaka-sinusundan na mga celebrity kid sa social media—ang magpinsan na sina baby Thylane Katana Heussaff-Bolzico at Dahlia Amèlie Curtis-Smith Heussaff.

Credit: @solenn Instagram

Si baby Thylane o kilala rin sa kanyang palayaw na “Tili” ay anak ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico habang si baby Dahlia ay anak naman nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Kamakailan lamang ay balik-Pilipinas na sina Anne at Erwan kasama si baby Dahlia matapos ang mahigit isang taon nilang pamamalagi sa Australia.

Credit: @solenn Instagram

Nasaksihan na nga ng mga netizen ang pagbo-bonding at paglalaro nina baby Thylane at baby Dahlia matapos ibahagi ni Solenn sa kanyang Instagram story ang isang larawan kung saan makikita ang dalawang chikiting na enjoy na enjoy habang inaaliw ni Anne.

Matagal-tagal din na hindi nagkita sina baby Thylane at baby Dahlia kaya naman tiyak ay masayang-masaya sila na makalaro ang isa’t isa.

Magkaedad lamang ang dalawang celebrity kids ngunit si baby Thylane ay mas matanda ng dalawang buwan kaysa kay baby Dahlia.

Credit: @solenn Instagram

Isinilang ni Solenn ang unang anak nila ni Nico noong January 1, 2020 habang ipinanganak naman ni Anne ang unang anak nila ni Erwan noong March 2, 2020.

Sa Pilipinas lamang isinilang ni Solenn si baby Thylane, samantalang, si Anne ay lumipad noong December 2019 patungong Melbourne, Australia para doon manganak.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Hindi naman kaagad nakauwi ng Pilipinas sina Anne at Erwan dahil na rin sa mga ipinapatupad na travel restriction dahil sa p@ndemya.

Sa kanyang panayam noong September 2020 sa host na si G3 San Diego, ibinunyag ni Anne na kaya napahaba ang pananatili nila sa Australia ay dahil ayaw nilang bumiyahe at ipagsapalaran ang kaligtasan ng kanilang sanggol.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Saad ni Anne, “Given the current situation, na-extend talaga ‘yung stay namin dito because I mean, if it was just me, no problem. Kaya kong lumipad anytime, ‘di ba? Pero now, I have a little life to think off and she is the top priority. Her safety is the top priority and her health.”