Higit pa sa pagiging magpinsan ang relasyon na nabuo sa pagitan ng mga anak nina Solenn Heussaff at Anne Curtis na sina Tili at Dahlia Amelie ngayong qu@rantine.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Mula noong makauwi sa bansa si Anne at ang mister na kapatid naman ni Solenn na si Erwan Heussaff kasama si Dahlia, madalas nang ma-spottan ng netizens ang magpinsan na magkasama.
Tila hindi na nga magpaghiwalay sina Tili at Dahlia at mula sa paglalaro hanggang sa pagkain ay magkasama sila batay na rin sa mga letrato at video na ibinabahagi ng kanilang mga magulang sa social media.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Katulad na lamang ng isang video kung saan ay mapapanood ang pagbo-bonding nilang magpinsan habang nakaupo sa hagdanan. Mukhang may sariling mundo sina Tili at Dahlia sa video at kahit hindi pa man marunong magsalita ay tila naintindihan na nila ang galaw ng isa’t isa. Makikita rin sa video ang ka-sweet-an ni Dahlia sa kanyang pinsang si Tili at ibinahagi pa niya rito ang kanyang tubig.
View this post on Instagram
Isa rin sa mga bonding moment nina Tili at Dahlia ay ang magbasa ng mga children’s book at ang pagkukulay. Talaga namang sa murang edad ay nahanap nina Tili at Dahlia ang isang tunay na kaibigan sa isa’t isa.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Wala namang higit na masaya pa na masaksihan ang magandang relasyon na mayroon sina Tili at Dahlia kundi ang kanilang mga magulang.
View this post on Instagram
Sa katunayan, nito lamang June 23 ay isang bagong clothing brand ang inilunsad nina Solenn at Anne na matatandaang bago pa maging mag-sister-in-law ay mag-bestfriend na.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Hango ang pangalan ng inilunsad na baby clothing brand nina Solenn at Anne sa pangalan ng kanilang mga naggagandahang mga anak na sina Tili o Thylane Katana at Dahlia Amelie na “Tili Dahli.”
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Sa kani-kanilang Instagram account ay ipinasilip nina Anne at Solenn ang ilang damit na mabibili sa “Tili Dahli,” kung saan ay kanilang sinimulan dahil sa kanila pagmamahal para sa kanilang mga anak.
View this post on Instagram
Ani Anne, “Our thoughtful essentials were born out of the love for our babies with thoughts of comfort, free-spirited play and loads of giggles and happiness always in mind.”
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Pinusuan din ng maraming netizens ang isang letrato nilang mag-bestfriend kung saan ay kasama nila ang kanilang mga anak.
Tuwang-tuwa naman ang netizens na makita ang matibay na samahan hindi lamang nina Anne at Solenn kundi maging ng kanilang mga anak.