Isa sa mga nagbibigay kulay ngayon sa buhay ng aktres na si Alessandra de Rossi ay ang anak ng kanyang kapatid na si Assunta de Rossi na si Baby Fiore.
Credit: @msderossi Instagram
Talagang malapit ang loob ng aktres ni Alessandra kay Baby Fiore. Hindi maipagkakaila ang labis na pagmamahal ni Alessandra para kay Baby Fiore sa puntong itinuturing na niya itong kanyang sariling anak. Madalas ngang ipahayag ni Alessandra sa kanyang Instagram account kung gaano niya kamahal ang kanyang pamangkin.
Credit: @msderossi Instagram
Sa kabila naman ng kanyang busy schedule bilang isang artista ay gumagawa pa rin ng paraan si Alessandra para maka-bonding si Baby Fiore. Mula nga nang ipinanganak si Baby Fiore ay hindi na nawala ang kanyang mga letrato sa Instagram account ni Alessandra dahil parati silang magkasama. Si Alessandra madalas ang nagbabantay kay Baby Fiore kapag nasa bahay siya ng kanyang Ate Assunta.
Maraming netizens naman ang natutuwa sa mga letrato at video nina Alessandra at Baby Fiore lalo na’t may kwento sa likod ng mga ito. Tulad na lamang ng ibinahaging letrato kamakailan ni Alessandra kung saan ay ipinakita niya ang isang katangian na nagkakapareho silang magtiyahin.
Credit: @msderossi Instagram
Sa letratong ibinahagi ni Alessandra makikitang kalong niya sa kanyang mga bisig si Baby Fiore. Kung hindi babasahin ng titingin ng letrato ang caption ng post ni Alessandra ay tila walang kakaiba sa letrato at nagpapakita lamang ito ng simpleng bonding nila ni Baby Fiore.
Ngunit kung babasahin ang caption na inilagay ni Alessandra ay mapagtatantong ipinapakita ng nasabing letrato ang pagkakaroon nilang magtiyahin ng double-chin.
Credit: @msderossi Instagram
Pabirong sabi pa ni Alessandra na problema na ng kanilang pamilya ang pagkakaroon ng double chin.
“Fiore: Zia, I have a problemz! What is double chin?!
Me: uhm…. It’s a family problem,” caption ni Alessandra sa letrato.
Credit: @msderossi Instagram
Samantala, kahit walang ginagawa ay effortless pa rin ang pagiging cute at maganda ni Baby Fiore na talaga namang kinagiliwan ng maraming netizens. Habang unti-unti ngang lumalaki si Baby Fiore ay mas nakikita ng marami ang kanyang angking ganda.
Nakakabigla rin ang napakabilis na paglaki ni Baby Fiore dahil parang kahapon lang nang masayang ibalita ni Assunta na buntis siya at ngayon nga ay nagdiriwang na si Baby Fiore ng kanyang ika-8 buwang gulang na kaarawan.
Credit: @msderossi Instagram
Matatandaang isinilang ni Assunta si Baby Fiore o tinatawag din nilang ‘miracle baby’ noong October 2020. Ang isa sa mga pangalan naman ni Baby Fiore ay mula sa pangalan ni Alessandra, isang bagay na tiyak magbubuklod sa kanilang magtiyahin bukod pa sa katotohanang magkadugo sila.
Si Giulia Fiorentina Alessandra Schiavone Ledesma o Baby Fiore ay anak ni Assunta at dating Congressman Jules Ledesma.