Maine Mendoza at Arjo Atayde, pinakilig ang mga netizen sa kanilang sweet 2nd anniversary posts para sa isa’t isa

Ang bilis talaga ng panahon dahil nitong December 21 lamang ay nagdiwang ng kanilang ika-2 taong anibersaryo ang celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Credit: Maine Mendoza Instagram   

Nag-post sa kani-kanilang Instagram account ang magkasintahan para batiin ang isa’t isa sa kanilang anibersaryo.

Ipinost ni Maine ang larawan nila ni Arjo habang nagbabakasyon sa Palawan. Hindi maipagkakaila na masayang-masaya sina Maine at Arjo base sa lawak ng ngiti nila.

“Consistent” naman ang Eat Bulaga host sa kanyang caption. Talagang nakagawian na nito na gawing maikli ngunit sweet ang kanyang mga caption sa mga larawan nila ni Arjo na ibinabahagi niya sa social media.

Credit: Arjo Atayde Instagram

Kung noong nakaraang taon ay “happy first” ang isinulat niyang caption, ngayong taon naman ay “happy second”. Tila gustong patunayan ni Maine na hindi nasusukat sa haba ng caption sa social media ang kanyang nararamdaman para sa aktor.

Si Arjo naman ay hindi maiwasang ipahayag ang kanyang malalim na pagmamahal para sa kanyang nobya.

Nag-post si Arjo ng isang larawan nila ni Maine na sweet na sweet. Mahigpit na yakap ni Arjo si Maine na mayroong nakakatawang reaksyon sa kanyang mukha.

Credit: Arjo Atayde Instagram

“I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd Anniversary bubs!,” caption ni Arjo sa kanyang Instagram post.

Maraming netizens naman ang kinilig sa celebrity couple. Komento ng netizens:

“Awwwhh. Grabee daming langgam happy 2nd anniversary”

“Solid. Congrats to both of you. Sana next year kasal na.”

“Omg kaka tweet ko lng may post kn agad. kinikilig ako happy 2nd snyo stay in love. Love you both.”

Credit: Arjo Atayde Instagram

Samantala, matatandaang nakatanggap ng matinding pambabash si Arjo sa social media January ngayong taon mula sa mga AlDub fans.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na sumikat si Maine sa kalye serye ng Eat Bulaga bilang Yaya Dub na katambal ni Alden Richards.

Matapos ngang inanunsyo nina Maine at Arjo ang kanilang tunay na relasyon ay marami sa mga tagahanga ng AlDub ang umalma at nagpahayag ng kanilang pagkadismaya.

Sa katunayan, January ngayong taon ay nag-trending sa Twitter ang hashtag na “NoToArjoTheUser” na inumpisahan ng mga fan ng AlDub.

Credit: Maine Mendoza Instagram

Ipinagtanggol naman ni Maine ang kanyang nobyo mula sa mga nambabash dito at sinabing, “Wow, some “fans” made #NoToArjoTheUser trend today. Congrats! But I say #YesToArjo ❤”

Kamakailan lamang din ay laman ng balita si Arjo matapos nitong manalo ng Best Actor in a Leading Role sa 3rd Asian Academy Creative Awards para sa kanyang natatanging pagganap sa kanyang karakter sa iWant series na “Bagman”.

Ayon naman kay Arjo, inialay niya ang kanyang natanggap na award kay Maine na isa mga inspirasyon niya upang pagbutihan ang kanyang trabaho.

Marso ngayong taon kinumpirma ni Maine ang relasyon nila ni Arjo.