Maine Mendoza, may nakakakilig at touching message para sa kanyang nobyo na si Arjo Atayde

Labis na nasurpresa ang aktor na si Arjo Atayde matapos niyang marinig ang mensahe ng kanyang kasintahang si Maine Mendoza sa araw ng kanyang contract signing sa Kapamilya network.

Credit: @arjoatayde Instagram

Nitong February 26, mapapanood sa official YouTube channel ng Star Magic ang muling pagpirma ni Arjo ng kontrata sa ABS-CBN network kasama ang “big bosses” ng istasyon.

Hindi nga inaasahan ni Arjo na may inihandang sorpresa pala sa kanya ang kanyang home network.
Ito ay ang nakakakilig at touching message sa kanya ni Maine.

Binati ni Maine ang kanyang nobyo sa muling pagpirma nito ng kontrata sa Kapamilya network. Hiling ni Maine para kay Arjo na magkaroon ito ng maraming proyekto bilang isang Kapamilya actor.

Ani Maine, “I wish you more success in your career, more projects, more challenging and exciting roles.”

Pangako ni Maine sa nobyo na palagi niya itong susuportahan sa karera nito.

Credit: @arjoatayde Instagram

Mensahe ni Maine, “And please know that I am always here for you, and with you, and I’m always right behind you to give you my 110% support in everything that you do, and also to celebrate every milestone with you.”

Dagdag pa ng Eat Bulaga host na sobrang proud siya kay Arjo.

Aniya, “There’s so much in store for you, that I know for sure. Pero ngayon pa lang sasabihin ko na sobrang proud ako sa ‘yo, sa mga narating mo at sa mga mararating mo pa. Just keep doing what you love…congratulations and love you.”

Credit: @arjoatayde Instagram

Samantala, emosyonal naman na nagbigay ng kanyang mensahe si Arjo para sa ABS-CBN na itinuturing din niyang kanyang tahanan.

Ayon kay Arjo, utang umano niya sa ABS-CBN ang kanyang tagumpay bilang aktor.

Aniya, “I owe it to everyone here beside me. I owe it to people behind the camera. I owe it to my co-actors. I owe it to each and every one in ABS-CBN.”

Credit: @arjoatayde Instagram

Dagdag niya, “They took care of me.They always made sure I was fine. I’m getting so emotional. It just feels like home. It’s for a lot of reasons. They take care of us, they give us the projects we deserve as long as we work hard for it, and never expecting anything in return.”

Sinabi rin ni Arjo na mananatili siyang isang Kapamilya kahit anuman ang mangyari.

Ani Arjo, “I just love being a Kapamilya. I am a Kapamilya. I am born to be a Kapamilya, and I will stay here no matter what…”

Sa mga hindi nakakaalam, si Arjo ay anak ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez. Noon lamang December 2020, nagbigay ng karangalan si Arjo matapos niyang iuwi ang Best Actor in a Leading Role award sa 3rd Asian Academy Creative Awards para sa kanyang iWant series na “Bagman”.