Marami ang humahanga sa taglay na ganda ng panganay na anak ng dating mag-asawang Lotlot de Leon at Ramon Christopher “Monching” Gutierrez na si Janine Gutierrez.
Credit: @maxdgutierrez Instagram
Ipinanganak sa isa sa mga pinakakilalang angkan ng mga artista sa bansa, nab!hag ni Janine ang puso ng madla hindi lamang dahil sa kanyang magandang hitsura kundi pati na rin sa kanyang talento sa pag-arte.
Ngunit bukod kay Janine, mayroon pang isang napakagandang anak na babae sina Lotlot at Ramon Christopher. Kilalanin si Maxine Gutierrez, ang nakababatang kapatid ni Janine na talaga namang papasang kakambal niya dahil sa laki ng pagkakahawig ng kanilang hitsura.
Credit: @maxdgutierrez Instagram
Si Maxine ay ang bunsong anak nina Lotlot at Ramon Christopher na noon lamang August 2020 ay nagdiwang ng kanyang ika-20 taong kaarawan. Mayroon naman siyang tatlong kapatid na sina Janine, Diego at Jessica.
Credit: @maxdgutierrez Instagram
Tulad din ng kanyang mga nakatatandang kapatid, nakuha rin ni Maxine ang atensyon ng marami dahil sa kanyang likas na kagandahan na kahawig ng kanyang ‘Ate Bear’, isang palayaw na ibinigay niya kay Janine.
Credit: @maxdgutierrez Instagram
Alam ng lahat na ang magkakapatid na Gutierrez ay malapit sa kanilang mga lolo’t lola at tulad ng kanyang Ate Janine, si Maxine ay mayroon ding matibay na relasyon sa kanyang ‘Mamita’, ang iconic singer-actress na si Pilita Corrales.
Isa naman sa mga paboritong gawin ni Maxine ay ang pagta-travel. Sa mga litratong ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account, kapansin-pansin ang hilig ni Maxine sa beach. Madalas kasama rin ni Maxine ang kanyang mga kapatid sa kanyang mga beach trip.
View this post on Instagram
Samantala, sa kanyang pinakabagong post sa Instagram, ipinakita naman ni Maxine ang kanyang talento sa pagmomodelo.
Humakot ng maraming papuri mula sa mga netizen ang mga magagandang litrato ni Maxine na kinunan ng celebrity photographer na si BJ Pascual.
Credit: @janinegutierrez Instagram
Hula ng marami ay hindi malayong pasukin na rin ni Maxine ang pag-aartista o hindi naman kaya ang pageant world dahil sa kanyang mala-beauty queen at artistahing ganda.
Sa ngayon, wala pang ipinapahayag si Maxine tungkol sa interes niyang pasukin ang mundo ng showbiz.
Credit: @janinegutierrez Instagram
Tila pokus din muna si Maxine sa pag-aaral. Matatandaan na noong April 2020, nagtapos ang napakagandang dalaga ng high school.
Gayunpaman, base sa nakukuha niyang atensyon mula sa madla ay tiyak na tatangkilikin din ng lahat si Maxine tulad ng kanyang mga magulang at mga kapatid.