Mala-Kdrama na eksena gamit ang mga salitang kapampangan ni Gladys Reyes sa Instagram, kinagiliwan ng mga netizen

Isang nakakatuwang Instagram post ang ibinahagi ng sikat na kontrabida actress na si Gladys Reyes. Makikita ang isang video kung saan tila siya ay may kausap sa kaniyang cellphone at nagsasalita ng may tono na para bang koreano tulad na lamang ng ating mga napapanood na K-drama.

Credit: @iamgladysreyes Instagram

“This is for all my fellow “cabalen” who are also K drama lovers. This is when you watch too much K drama and you’re a kapampangan. Just good vibes!!” Caption sa nasabing Instagram post.

Aakalain mong korean ang sinasabi ni Gladys sa nasabing video, saka lamang malalamang kapampangan pala ang lenggwaheng kanyang ginamit dahil sa karagdagang caption na naglalaman ng subtitle ng kanyang mga sinabi.

“Forgot to put the subtitle:

Credit: @iamgladysreyes Instagram

Me: O ma, how will I go there?

Me: Huh? She went out already?

Me: Who was she with?

Me: Oh, no, no, no!

Credit: @iamgladysreyes Instagram

Me: Please tell my siblings that I will just bring uncle and my sister

Me: Ok mom, I need to go, il just call later”

Makikitang hindi lamang isang certified Kdrama fanatic si Gladys kundi isang proud kapampangan din.

Sa panahon ngayon na maraming mga stay-at-home dulot ng pandemya, mas maraming nahuhumaling sa panonood ng Kdrama na isa sa nakikita nilang mabisang pampalipas oras.

Credit: @iamgladysreyes Instagram

Dahil dito hindi maiwasan ng mga manonood na gayahin ang mga bagay na nakikita sa kanilang mga iniidolong koreano.

Kabilang na sa mga nauso ang kanilang korean skin care, mga pagkain tulad ng kimchi at samgyupsal, maging ang kanilang pananamit at fashion style.

Kapansin-pansin naman na karamihan sa mga mahilig sa Kdrama ay madali na ring nagagaya ang accent at tono ng kanilang mga iniidolo kaya naman marami ang nakarelate kay Gladys.

Credit: @iamgladysreyes Instagram

Mabilis na dumami ang views ng nasabing Instagram post na umani na ng 88k views sa loob lamang ng isang araw mula ng ipost niya ito noong Abril 20.

Isang patunay na maraming netizen, maging mga kapwa artista at kasamahan sa showbiz ang natuwa sa kanyang ginawa sa nasabing Instagram post.

Tunay na nakakaaliw panoorin ang wikang kapampangan sa tono at accent na korean na pinasimulan ni Gladys.