Iniwang nakanganga nina Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at Ogie Olcasid ang netizens nang ipinasilip ang kanilang modernong bahay. Hindi lamang sila mahilig sa musika dahil sadya ring nakakabilib ang kanilang taste pagdating sa titirhang bahay.
Credit: @reginevalcasid Instagram
Parehong kilala bilang isa sa mga mahuhusay na singer at composer sa industriya ng showbiz at madalas na nakikita sa telebisyon habang ipinapamalas ang talento sa pagkanta, kilala rin ng karamihan ang couple sa pagiging “transparent” nila. Sa katunayan, palaging updated ang kanilang fans sa bawat kaganapan sa kanilang buhay.
Ilang taon naman ngayong naninirahan ang “Power Couple” sa kanilang “modern contemporary” na bahay na ipinatayo nila sa tuktok ng burol sa isang exclusive na subdivision sa Quezon City, patuloy pa rin nilang napapahanga ang netizens sa kagandahan ng tinitirhang bahay. Sa tulong ni Architect Anthony Nazareno at nina Ivy at Cynthia Almario na parehong interior designer, nagawang posible ang pangarap na bahay nina Ogie at Regine.
Credit: @reginevalcasid Instagram
Makikita sa mga larawan na talaga namang napakamaaliwalas ng lugar at sobrang linis ng bawat sulok sa kanilang bahay. Sa living room ay hindi lamang simpleng furniture ang present dahil gawa lang naman ang mga ito ni Kenneth Cobonpue at Ann Pamintuan katulad na lamang ng Arc Lamp at Crescenti Giant na upuan.
Credit: Powerhouse on GMA News YouTube
Napaka-elegante rin ng kanilang dining room at kusina kung saan ay may PlayStation 3 video-game console na inilagay si Ogie na ginagamit lamang kapag may bisita sila.
Of course, hindi mawawala ang napakagandang grand piano ni Ogie na nakalagay sa may paanan ng kanilang hagdan. Sa pader naman ay makikita ang malaking portrait ni Regine na regalo sa kanya ng asawa noon.
Credit: Powerhouse on GMA News YouTube
Dedikado sa kanyang profession, talagang may music room si Ogie na matatagpuan sa ground floor ng kanilang bahay kung saan ay kumpleto ito ng mga gamit katulad na lamang ng mga electric piano, synthesizer, computer at iba pang instrumento!
Credit: Powerhouse on GMA News YouTube
Mahilig mag-swimming, talagang sinigurado ni Regine na may pool ang kanilang bahay.
Ayon pa kay Regine, “Magswi-swim kami ng gabi. Para kaming nasa ibang bansa eh!”
Isa rin sa highlight ng kanilang bahay ay ang kwarto ng kanilang nag-iisang anak na si Nate. May dalawa siyang malalaking bed at punong-puno ng iba’t-ibang laruan.
Ayon sa mag-asawa, repleksyon umano sa kanilang buhay ngayon ang kanilang bahay.
“All the open space in our home speaks of who we are. We’re very transparent people. We really don’t try to hide things from people—just like my wife, who Instagrams every ten seconds,” saad ni Ogie.
Isang napakagandang bahay para sa isang napakagandang pamilya!