Malawak at cozy na resort ni Zsa Zsa Padilla at ng kanyang non-showbiz partner, pwede na bisitahin ng publiko!

Muling pinatunayan ni Zsa Zsa Padilla na isa siyang multi-talented na babae dahil hindi lamang siya magaling sa pag-arte at sa pag-awit kung hindi ay sa pagtatayo at pagma-manage rin ng malaki at engrandeng resort!

Credit: @casa_esperanza_lucban Instagram

Kung ang iba’y enjoy na enjoy sa loob ng bahay sa kalagitnaan ng p@ndemya, iginugol ni Zsa Zsa ang buo niyang oras at atensyon sa pagma-manage ng farmhouse resort kasama ang kanyang partner na si Conrad Onglao, isang architect.

Sa mahigit isang taong pananatili at pagkukulong sa bahay simula nang dumating ang p@ndemya, marami na ngayon ang uhaw na makapagbakasyon.

Credit: @casa_esperanza_lucban Instagram

Ang kinakailangan ng nakararami ngayon ay isang “escape” mula sa maingay na siyudad upang makapag-relax at makapag-enjoy. Matapos ang ilang buwang paghihintay, sa wakas ay bukas na sa publiko ang ipinagmamalaking farmhouse resort ni Zsa Zsa at Conrad na “Casa Esperanza” sa Lucban, Quezon Province.

Sa bawat sulok ng Casa Esperanza, talagang nagsusumigaw ito ng kapayapaan at calmness. Napapalibutan din ng malalagong puno at mga halaman ang buong resort na nagmistulan talagang nasa probinsya kahit na’y nasa kalagitnaan lamang ng abalang siyudad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @casa_esperanza_lucban

Sa pagpapasilip pa lamang sa improvement ng resort nitong nakaraang mga buwan, napapahanga na ni Zsa Zsa at Conrad ang netizens dahil sa napakagandang interior designs na talaga namang magpaparamdam sa mga guest na parang nasa sariling bahay lamang sila.

Kinagiliwan din ng karamihan ang napili nilang color palette na mas nagpatingkad pa sa kabuuang kagandahan ng lugar, mga palamuti, at nakakamangha rin ang malalagong berdeng mga halaman sa resort. Of course, may malaki ring pool kung saan ay talagang makakapag-enjoy ang guests sa paglalangoy habang iniisip kung gaano kagaan sa pakiramdam ang muling mapalapit sa kalikasan.

Sa opisyal na Instagram account ng Casa Esperanza, matutunghayan ang kagandahan ng buong farmhouse! Talagang ipinapakita ni Zsa Zsa kung gaano ka-worth it ang pagbisita sa lugar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @casa_esperanza_lucban

Isa nga sa unang guest ng Casa Esperanza ay ang anak ni Zsa Zsa na si Karylle kung saan ay sobrang nag-enjoy siya sa pagswi-swimming at sinusulit ang hatid na kapayapaan ng lugar.

Credit: @casa_esperanza_lucban Instagram

Ngayon na opisyal na nga na binuksan at tumatanggap na ng mga bisita ang Casa Esperanza, talagang bubuhos ang mga taong gustong magcheck-in upang makapag-relax at makapag-unwind.

Matapos ang pagpapasilip sa resort nitong mga nakaraang buwan, talagang naagaw ni Zsa Zsa ang atensyon ng karamihan lalo na ‘nung gustong i-enjoy ang kanilang break matapos maging abala sa trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @casa_esperanza_lucban

Kapansin-pansin naman na repleksyon ng pagkatao ni Zsa Zsa ang itinayong resort farmhouse nila ng partner na Casa Esperanza — maganda at kalmado.