Pinakapaborito talagang i-prank ng YouTuber na si Ivana Alawi ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina na si Fatima.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa katunayan sa latest vlog ni Ivana, naging biktima muli ang kanyang ina ng kanyang bagong prank na “new car prank”. Nagpanggap si Ivana na bumili siya ng isang mamahaling sasakyan.
Kilala nang netizens si Fatima na hindi maluho at numero unong tutol sa pagbili ng mamahaling gamit ni Ivana lalo na kung hindi naman kailangan at magagamit nito.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Kaya naman nang makita niyang nakaparada sa kanilang garahe ang isang pulang Lamborghini ay kaagad siyang napasimangot.
Habang si Ivana, Hashim at Mona ay nagtatatalon sa tuwa, hindi naman maipinta ang mukha ng kanilang ina.
Tiningnan lang nito ang kumikinang na luxury car habang larawan sa mukha ang hindi pagsang-ayon sa pagbili ng anak ng sasakyan.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Ani nito, “Talagang kailangan pandemic ka bibili?”
Ipinaliwanag naman ni Ivana na nabili niya ng sale ang sasakyan.
Ani Ivana, “Ma, nabili ko ng sale, sabi mo kasi pag sale bilhin ko na, nakuha ko lang ng 11.5 milyon.”
Tugon ni Fatima, “Sana naman (saka nalang). Pandemic ngayon, ang daming nangangailangan ng tulong…”
Kaya suhestiyon niya na isauli ang luxury car. Tinawagan nga nila ang pinagbilhan ni Ivana ng nasabing sasakyan.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Iginiit naman ng kinuntsaba nilang salesperson na hindi na pwedeng isauli ang sasakyan.
Mas lalo ring nainis si Fatima nang sabihin ng salesperson na 50% lamang sa kabuuang ibinayad ni Ivana ang mare-refund kapag isasauli ang sasakyan.
Sinabihan naman ni Ivana si Fatima na huwag pagalitan ang kausap sa kabilang linya.
Ngunit giit muli ni Fatima, “Pero, saan ka nakakita ng 50%? Baka gusto niya ipa-Tulfo ko siya?”
Credit: Ivana Alawi YouTube
Pinutol ni Ivana ang tawag at humingi siya ng paumanhin sa babaeng nakausap nila. Kaya lang ay patuloy pa rin sa pagsasalita ang kanilang ina. Sinabi rin ni Fatima na hindi siya galit na bumili ng luxury car si Ivana kaya lang ay hindi umano ito naaangkop na bilhin sa panahon ngayon.
Dagdag pa nito, dapat mag-invest si Ivana sa pagta-travel maging sa pagtulong sa tao at hindi sa magagarang bagay.
Samantala, dahil na-achieve na nila ang gusto nilang reaksyon ng ina ay dito na sinabi ng magkakapatid ang katagang, “It’s a prank!”.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Dahil nga may kasabihan tayong, magbiro ka lang sa lasing huwag lang sa bagong gising, kaya naman abot-langit ang inis na naramdaman ni Fatima nang malamang prank lang ang lahat.
Ani Fatima sa kanyang mga anak, “Kagigising ko lang, abnoy kayo!”
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa huli, sinabi ni Ivana na hindi sa kanya ang sasakyan kundi sa kanilang kapitbahay na nakiki-park lang sa kanila. Sabi rin ni Ivana, bibili lamang siya ng luxury car kung napatayuan na niya ng bahay ang kanyang pamilya.