Manny Pacquiao, ipinagdiwang ang kanyang ika-42 kaarawan sa simpleng paraan sa kanilang mansyon sa General Santos City

Maraming pagbabagong dala ang p@ndemya sa kung paano natin ipinagdiriwang ang mga espesyal na kaganapan sa ating buhay tulad ng ating kaarawan.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram     

Kung noon, ipinagdiriwang ng mga tao ang kanilang kaarawan sa isang engrandeng paraan, ngayon dahil sa p@ndemya, pinili na lamang nilang ipagdiwang ito nang simple – walang gaanong mga panauhin, tanging mga malalapit na kaibigan at pamilya lamang.

Tulad na lamang ng Senator-boxing champ na si Manny Pacquiao na ipinagdiwang ang kanyang ika-42 kaarawan nitong December 17 sa isang simpleng paraan, malayo sa kanyang mga nagdaang engrandeng birthday celebration.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Madalas pag-usapan ang engrandeng pagdiriwang ni Senator Manny ng kanyang kaarawan. Palagi rin itong dinadaluhan ng mga bigateng personalidad mula sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kilala si Manny ng lahat bilang isang world champion sa boxing arena. Tuwing kaarawan niya ay pumupunta pa ang mga celebrity mula sa ibang bansa para lamang dumalo ang kanyang kaarawan.

Ngunit ngayong taon dahil may kinakaharap pa rin tayong p@ndemya kaya naman simple lamang ang naging birthday celebration ni Manny.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Isang simpleng salu-salo lamang ang naganap sa mansyon ng kanilang pamilya sa General Santos City.

Sa Instagram account ni Jinkee, ang maybahay ni Manny, makikita ang ilang larawan kuha mula sa birthday celebration ng senador.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Konti lamang ang kanyang bisita at tanging pamilya lamang niya at ilang malalapit na kaibigan ang present sa kanyang birthday celebration.

Gayunman, makikita pa rin sa mukha ni Manny na masaya siya kahit pa simple lamang ang kanyang birthday celebration.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Samantala, may isang sweet birthday message naman si Jinkee para sa kanyang asawa.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Jinkee na isa siyang “blessed wife” dahil mayroon siyang asawa na mayaman at may ginintuang puso.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Aniya, “Happy happy birthday, Man of God, my babe! I’m a blessed wife because i have a husband with a rich and golden heart. 🙏♥️ May God bless you more with His boundless love, calming peace, wisdom, knowledge, and heavenly joy. We love you so much! ♥️🙏”

Narito naman ang ilang celebrity na bumati kay Manny.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Ani Claudine Barretto, “Mare ko HAPPY BIRTHDAY i pray that God will bless u more because you are obedient & your heart is full”

Saad naman ni Ruffa Gutierrez, “Happy birthday Sen. Manny!”

Bati naman ni Andrew E., “Happy Birthday!”