“Mara Clara” stars na sina Julia Montes, Kathryn Bernardo at Dimples Romana, nagdiwang ng kanilang ika-10 taong pagkakaibigan!

Maraming mga manonood ang naiyak at napasaya ng 2010 Kapamilya drama series na “Mara Clara” na pinagbibidahan nina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

Credit: @dimplesromana Instagram

Ang “Mara Clara” ay isang remake ng hit Kapamilya teleserye ng parehong pangalan noong 1992 na pinagbibidahan naman nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Makalipas naman ang 10 taon mula nang ginawa nila ang remake ay nagsama-sama muli ang matalik na magkaibigan na sina Julia at Kathryn.

Pinagtibay ng “Mara Clara” ang pagkakaibigan nina Julia at Kathryn. Kamakailan lamang ay muling nagkita sina Julia at Kathryn kasama ang kanilang co-star na si Dimples Romana at ang sumulat ng kanilang teleserye na si Danica Mae Domingo.

Credit: @dimplesromana Instagram

Nagdiwang nga ang magkakaibigan ng kanilang ika-10 taong pagkakaibigan mula nang nagsama sila sa “Mara Clara”

Sa kani-kanilang Instagram account, ibinahagi ng magkakaibigan ang ilang larawan kuha mula sa kanilang muling pagkikita.

“More than 10 yrs of friendship love you girls @bernardokath @dimpleromana @danix8,” sulat ni Julia sa caption ng kanyang Instagram post.

Habang si Dimples ay labis na nagpapasalamat sa “gift of friendship” na natagpuan niya higit isang dekada na ang nakalilipas.

Ani Dimples, “Sisters 👑 From a friendship that began a decade ago in Mara Clara (shoutout to all the amaaaazing fans who still, up to this day, tag me clips and photos 😉) to baking classes, wellness trips, to dinners at home, unli chika, food trips and road trips, so glad I get to call you all , my sisters.”

Credit: @montesjulia08 Instagram

Minsan man silang magkita na magkakaibigan ay sinusulit naman nila ang panahon na sila ay nakakapag-bonding.

Ayon kay Danica, “tuhog get together” umanong maituturing ang kanilang naging pagkikita dahil bumabawi sila sa lahat ng mga pagdiriwang na hindi sila nagkasamang lahat.

Ani Danica, “We call this our tuhog get together, happy birthday, merry christmas, happy new year…happy [valentine’s] day na din. ito yung get together na todo ang usapan sa dadalin na food great to see you girls!”

Credit: @montesjulia08 Instagram

Samantala, masaya ang mga tagahanga ng “Mara Clara” na makitang muli ang mga bida ng sinusubaybayan nilang teleserye noon. Komento nila:

“Ay gusto ko to!Beautiful ladies that has a beautiful heart…Sa wakas nagsama din kayu. MaraClaraFanhere”

“Wow at last magka bonding na ulit sila”

“KAMISS PO YUNG MARA CLARA DAYS”

“We really missed u in one frame!!! JulKath and miss dimps”