Marco Alcaraz, may payo sa mga mag-asawa para maiwasan ang pag-aaway dahil sa pera

Hindi maikakailang isa ang pera sa mga problema at sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga mag-asawa.

Ngunit tila hindi maka-relate rito ang aktor na si Marco Alcaraz dahil mukhang nahanap nila ng kanyang misis na si Lara Quigaman ang perpektong solusyon para hindi maging dahilan ang pera ng pag-aaway nilang mag-asawa.

Credit: @marcoalcaraz Instagram

Kamakailan, kinaaliwan ang naging Instagram post ni Marco kung saan inilantad niya ang sekreto sa isang matiwasay na pagsasama na kung saan nga ay hindi pinag-aawayan ang pera.

Sa kanyang post sinabi ni Marco na ang pera ng kanyang asawa ay sa kanyang asawa lamang habang ang pera naman niya ay dapat mapupunta pa rin umano sa kanyang asawa para maiwasan ang pag-aaway.

“Napost ko na last year to pero worth it na ipost ulit. Malalaman mo na masaya ang pagsasama nyo mag-asawa kung may respeto, tiwala at hindi pinag-aawayan ang pera. Kaya pag pera ni Mrs pera nya yun at kapag pera ni Mr pera parin ni Mrs yun tama ba ako?” sabi ni Marco.

Credit: @marcoalcaraz Instagram

Dagdag niya, “May Tips pa ba kayo na pwede ibigay para mas maging masaya ang pagsasama?”

Marami naman ang hindi lamang naaliw kundi sumang-ayon din sa “asawa tip” ni Marco. Komento ng ilang netizens:

“Tama ka ha ha ang akin ay akin ang sa asawa sa akin parin malinaw, maliwanag ang pagkakasabi mo Marco”

“Pag pera ni Misis pera nya lng pg pera ni Mister pera ni Misis…Tama po ito.”

Credit: @marcoalcaraz Instagram

“Tama HAHAHA sana all ganto ang mindset diba. Edi sana masaya kami”

“Perfect couple I admired your belief and youre very simple but beautiful wife”

Noong nakaraang January 1 lamang ay ipinagdiwang nina Lara at Marco ang kanilang ika-11 wedding anniversary.

Mensahe ni Marco kay Lara, “Bago matapos ang araw na ito I wanna greet my gorgeous wife happy anniversary. Maraming salamat for loving us unconditionally. You are the perfect wife and mother.. im not perfect but Iahat ng sweldo ko sayo. Mahal na mahal kita. Submit yourself to your wives and you will have a happy marriage.”

Credit: @marcoalcaraz Instagram

Sina Lara at Marco ay kabilang sa mga celebrity married couple na hinahangaan ng marami. Sa kasalukuyan, mayroong tatlong anak sina Lara at Marco na sina Noah, Tobias, at Moses.

Samantala, hindi maikakaila na masaya ang pagsasama ng dalawa ngunit malayo ito sa pagiging perpekto. Gayunpaman, sa kabila ng mga hamon at pagsubok na kanilang hinarap, naging lakas nila ang isa’t isa marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nanatiling matatag ang kanilang pagsasama.