Marian Rivera at Dingdong Dantes, espesyal ang naging selebrasyon ng araw ng mga puso kasama ang kanilang dalawang anak

Gaano man sila ka-busy ay hindi nakalimutan ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na ipagdiwang ang Valentine’s Day nitong February 14.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Sa Instagram account ni Dingdong, ibinahagi niya ang ilang litrato ng kanyang napakagandang asawa na naghahanda ng isang intimate dinner setup para sa kanilang pamilya. Sa isang larawan ay makikita si Marian na hands-on sa paghahanda ng dining table.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Ilang masasarap at espesyal na pagkain din ang inihanda ni Marian para kay Dingdong at sa kanilang dalawang anak na sina Letizia at Sixto. Makikita rin ang ilang hugis-pusong balloon sa gilid ng kanilang dining table.

Pinaghandaan talaga ni Marian ang Valentine’s Day dinner para sa kanyang pamilya. Naglagay pa si Marian ng isang greeting card na may nakasulat na “Happy Valentine’s Day, Mahal. We love you!”

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Ipinost din ni Dingdong ang mga nakakatuwang litrato ni Marian kasama sina Letizia at Sixto.

Ayon kay Dingdong, “final stop” niya para sa araw na iyon ang kanilang bahay kung saan naghanda ng Valentine’s Day dinner si Marian.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Kahit kasi Valentine’s Day ay tuloy pa rin sa pagde-deliver si Dingdong ng mga order para sa kanyang delivery service company na DingDong PH.

“I finished 6 deliveries this Valentine’s Day. But on an average, delivery riders accomplish around 8-10 transactions on good days like this one,” pahayag ni Dingdong sa Instagram.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Dagdag niya, “I started at 9:30am and ended before 3pm, and as i sit here at home waiting for early dinner, I realize how difficult this job is…”

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Samantala, maraming netizens naman ang humanga kay Marian dahil sa pagiging sweet at maasikaso umano nito kay Dingdong at sa kanilang pamilya. Komento nila:

“Kaya mahirap mapalitan si Marian sa puso ni Dong, bukod sa maganda at s3xy, maasikaso pa.”

Credit: Dingdong Dantes Instagram

“Super duper loving wife happy Valentines Dongyan”

“Ayeeeeyhhh! Omggg! Another kilig scenes na naman from dongyan! Happy Valentines Day my favorite loveteam DONGYAN and to the dantes squad”

“Napakaswerte mo talaga kay Marian sobrang maasikaso”

“Lahat na lang talaga alam ni Marian Napaka talented talaga Happy Valentines Day Dantes Squad”

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Noong December 2020 ay nagdiwang ng kanilang ika-6 na taong anibersaryo bilang mag-asawa sina Marian at Dingdong.

Matatandaan na ikinasal sila noong 2014 matapos ang mahigit limang taon nilang pagiging magkasintahan.

Unang nagkakilala sina Marian at Dingdong sa kanilang pinagsamahang teleserye sa GMA network na “Marimar” noong 2007.