Marian Rivera at Dingdong Dantes, masayang ipinagdiwang ang kanilang 6th wedding anniversary sa beach kasama ang mga anak

Maraming netizens ang kinilig sa walang kupas na ka-sweetan ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Credit: @marianrivera Instagram     

Nitong December 30, ipinagdiwang nina Marian at Dingdong ang kanilang ika-6 na anibersaryo bilang mag-asawa.

Ipinagdiwang ng Kapuso royalties ang kanilang anibersaryo sa isang beach kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zia at Ziggy.

Sa kani-kanilang Instagram account, nag-post ang “DongYan” ng sweet photos nila habang nasa beach.

Credit: @marianrivera Instagram

Kalakip ng kanilang mga litrato ay ang nakakakilig na mensahe nila para sa isa’t isa para sa kanilang ika-6 na wedding anniversary.

“To my life…Happy 6th!”, caption ni Marian sa litrato nila ni Dingdong.

Habang si Dingdong naman ay inihayag na “gigil na gigil” pa rin umano siya kay Marian kahit matagal na silang mag-asawa.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Ani Dingdong, “Obvious bang gigil na gigil pa rin ako sa iyo? Happy 6 years, my love! @marianrivera”

Bumaha naman ang pagbati para sa celebrity couple mula sa mga solid “DongYan” fan. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“TINDI PARINNN!! WALANG KUPASS!! DONGYAN FOR THE WIN!!”

Credit: Dingdong Dantes Instagram

“Hahaha kinikilig ako Happy Anniversary DongYan!”

“Wow ang caption KILIG nga..Happy 6th year wedding anniversary dongyan. God bless you!”

“Happy Anniversary to my favorite couple”

“Ang sweet ng Dongyan kiliiig! Happy Anniversary sa inyo. dahil sa lovestory niyo naniniwala na akong may forever”

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Samantala, sa kanilang beach trip ay masayang nakipagbonding din sina Dingdong at Marian sa kanilang mga anak.

Sinabi naman ni Dingdong sa isang hiwalay na post na nagpapasalamat siya dahil nabigyan sila ng kanyang pamilya ng oportunidad para makapagbakasyon sa dagat.

Ani Dingdong, “I will never forget how happy this boy was when he first encountered the sand and water on his feet. When this p@ndemic started, he hasn’t even walked yet! But now look— he’s become my beach buddy! I am just so grateful that we have been given this opportunity to freely run around and appreciate nature inside this bubble, without fear of getting anything unwanted. 🙏🏼”

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Unang nagtambal sa Kapuso drama series na “MariMar” sina Marian at Dingdong noong 2007. Taong 2010 naman naging opisyal ang kanilang relasyon bilang magkasintahan na humantong sa kasalan noong 2014.