Marami sa atin ang dalawang beses nang ipinagdiwang ang kanilang kaarawan sa panahon ng qu@rantine. Sobrang bilis nga ng panahon dahil parang kailan lamang noong magsimula ang nararanasan nating krisis ngayon na tumagal na ng halos dalawang taon.
Credit: @marianrivera Instagram
Gayunpaman, sa kabila ng pinagdadaanan nating krisis ngayon ay marami pa rin tayong bagay na dapat ipagpasalamat at isa na rito ang ating kaarawan.
Masayang ipinagdiwang naman ng pamilya nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kaarawan ng kanilang pinakabatang miyembro na si Jose Sixto IV o kilala rin sa kanyang palayaw na Ziggy.
Ipinagdiwang ni baby Ziggy ang kanyang 2nd birthday noong April 16 at tulad noong kanyang unang kaarawan ay simple lamang din ang kanyang naging birthday set up na inihanda ng kanyang mga magulang.
Credit: @marianrivera Instagram
Ginanap ang simpleng birthday party ni baby Ziggy sa kanilang bahay lamang. Ibinahagi naman ni Marian sa kanyang Instagram post ang ilahang special moments na kinunan sa kaarawan ni baby Ziggy.
Napakagwapo ni baby Ziggy suot ang kanyang birthday outfit na pinaresan niya ng isang baseball cap. Agaw-pansin sa mga larawang ibinahagi ni Marian ang taglay na kagwapuhan ni baby Ziggy habang hinihipan ang kanyang birthday cake na hango ang desenyo sa kanyang pagkahilig sa mga laruang sasakyan.
Isang puting pambatang motorbike naman ang natanggap ni baby Ziggy na mukhang parehas ang desenyo sa mga koleksyong motorbike ng kanyang Daddy Dingdong. Sa sobrang excitement nga ni baby Ziggy ay kaagad siyang sumakay sa nasabing motorbike.
Credit: @marianrivera Instagram
Samantala, hindi naman maiwasan ni Dingdong maging sentimental sa mabilis na paglaki ni baby Ziggy.
Noong kaarawan nga ni Sixto ay isang throwback picture nilang mag-ama ang ipinost ni Dingdong kalakip ng mga realization niya ngayong panahon ng p@ndemya.
Ani Dingdong, “I was going through old photos, when I came across this picture that I had taken around the same time last year (bago kita tuluyang kinalbo 😂). I couldn’t believe how time flies so fast that in a couple of days, you’ll be turning two.”
Credit: @marianrivera Instagram
Dagdag niya, “So many things had happened, so many realizations, and so many challenges such as this pandemic that we have to fight as a nation. It may not be an ideal world to live in, but we, your parents, will do our best to inculcate in you and your Ate Z the renewed (and strengthen) version of values and principles of humanity.”
Sina Marian at Dingdong ay mayroon pang isang anak na si Zia na isa rin ngayon sa mga sinusundang celebrity kid sa social media.