Marian Rivera, inireveal na nagkakahalaga lamang ng P250 ang napakagandang Princess Jasmine costume ng kanyang anak na si Zia

Naging usap-usapan nitong nakaraang Halloween ang panganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Maria Letizia o mas kilala sa kanyang palayaw na “Zia”. Napakaganda kasi nito sa kanyang suot na halloween costume. Napili ni Zia na maging si Princess Jasmine, isang prinsesa mula sa Disney film na “Aladdin”.

Credit: @marianrivera Instagram     

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na “Marian Rivera” ay ikwenento ni Marian kung bakit napili ni Zia na magsuot ng Princess Jasmine costume nitong nakaraang Halloween.

Credit: @marianrivera Instagram

Kwento ni Marian, “Kasi nakapag-Rapunzel na siya. Nakapag-Snow White na yata siya. Parang lahat nagawa niya na. Si Jasmine na lang ang hindi pa yata niya nagagawa. Kaya sabi niya, ‘Mama, I want something new naman. I want Jasmine because I want a long hair with a braid.'”

Credit: @marianrivera Instagram

Sakto naman na maraming hair extension si Marian kaya nila na-achieve ang napakagandang Halloween look ni Zia.

Ani Marian, “Si Jasmine daw ang gusto niya at gusto daw niya with long hair na nakatirintas. Sabi ko, ‘Ok sige, anak’. Buti nalang maraming [hair] extension si Mama.”

Credit: @marianrivera Instagram

Ayon pa kay Marian, isa umano sa mga requirement ng eskwelahan ni Zia ang pagsuot ng halloween costume.

“‘Yung Halloween costume ni Zia ay requirements po ‘yun sa school. Meron pa silang Zoom halloween party sa school n’ya at ang options dun ay mga Disney princess.”, saad pa ni Marian.

Credit: @marianrivera Instagram

Ibinunyag naman ni Marian kung magkano ang halaga ng halloween costume ni Zia. Kung titingnan kasi ang suot na costume ni Zia ay mukha itong mahal at pinasadya talagang ipagawa.

Nilinaw naman ni Marian na binili niya lang sa halagang P250 ang halloween costume ni Zia. “Binili ko lang ‘yun. Gawa na ‘yun. Ang mura-mura lang nun. Parang 250 lang yata ‘yun,” natatawang saad ni Marian.

Credit: @marianrivera Instagram

Samantala, natuwa naman si Marian dahil sobrang nag-enjoy ang kanyang panganay na anak sa halloween party nito.

Aniya, “So, ‘yun sobrang enjoy siya kahit nasa Zoom lang sila. Nasa online lang ‘yung party nila. Kasi maganda sa school nila may mga loot bag sila. So, dun sa loot bag may mga activities silang gagawin. Nakakatuwa.”

Credit: @marianrivera Instagram

Ibinahagi rin ni Marian na hands on siya sa pag-aaral ni Zia.

Aniya, “Every Monday after two weeks may kinukuha talaga sa school. Parang nandoon ‘yung mga online worksheets, offline worksheets tapos ‘yung mga surprises para sa mga kids. ‘Yun nga lang siyempre teacher pa rin ako. Aayusin ko pa rin. Tuturuan ko pa rin kung ano ‘yung mga gagawin naming activities.”