Marian Rivera, ipinakita ang nakakaaliw na Christmas photos nila ni Dingdong Dantes kasama ang mga anak na sila Zia at Sixto

Nakagawian na ng maraming artista na magsagawa ng isang Christmas pictorial tuwing sasapit ang holiday season kasama ang kanilang pamilya. Kagaya na lamang ng pamilyang Dantes na sumabak sa isang Christmas-themed pictorial.

Credit: @marianrivera Instagram     

Nagsilbing backdrop ng kanilang family pictorial ang samu’t saring Christmas decoration. Ipinost nina Kapuso couple Marian Rivera at Dingdong Dantes sa kani-kanilang Instagram account ang ilan sa mga nakakatuwang larawan nilang magpamilya na kuha mula sa kanilang Christmas pictorial.

Bida sa mga larawan ang mga cute na anak nina Marian at Dingdong na sina Zia at Sixto.
Matching outfit din sina Marian at Zia sa kanilang suot na puting bestida.

Credit: @marianrivera Instagram

Sa isang larawan makikita sina Marian at Zia na sweet na sweet habang mahigpit na nagyayakapan. Kapansin-pansin din ang kakaibang dating ni Zia sa mga larawan. Tila isa na kasi itong dalaga. Base sa mga larawan, marami talaga ang makakapagsabi na namana ni Zia ang mala-dyosang ganda ng kanyang Mommy Marian.

“Ate please don’t grow up fast…,” caption pa ni Marian sa litrato nila ni Zia.

Credit: @marianrivera Instagram

Samantala, binihag naman ng napakagwapong anak na lalaki nina Marian at Dingdong na si Sixto ang puso ng karamihan.

Credit: @marianrivera Instagram

Umani ng maraming papuri mula sa kababaihan si Sixto dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan.
Talagang ‘heartthrob-in-the-making’ si Sixto na mukhang susunod pa sa yapak ng kanyang Daddy Dingdong.

Credit: @marianrivera Instagram

Kinaaliwan din ng marami ang family photo ng pamilyang Dantes kung saan ay makikita ang gulat na reaksyon ni Zia nang makita ang kanyang Mommy Marian at Daddy Dingdong na nagsasalo sa isang ‘sweet kiss’.

Caption ni Marian sa larawan, “Oops.. I saw Daddy kissing Mama.”

Maraming netizens ang kinilig sa walang kupas na ka-sweetan nina Marian at Dingdong.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Ayieee nakaka kilig naman ate @marianrivera and kuya @dongdantes GANDA ni zia at ang pogi ni ziggy”

Credit: @marianrivera Instagram

“Grabe nkakainlove parin cla naalala ko tuloy ang eksena sa marimar nung nagcelebrate cla Christmas”

“Cutieeee expression from Zia”

“Ang sweeeeeeeeet cute cute ng reaction ni Zia si Ziggy seryoso”

Credit: @marianrivera Instagram

Sa kasalukuyan, umani na ng libo-libong likes at komento ang mga larawan ng pamilyang Dantes kuha mula sa kanilang Christmas pictorial.