Marian Rivera, ipinost ang mga letrato niya noong bata pa at mga letrato ng anak na si Zia at nagtanong kung magkahawig ba silang dalawa

Confirmed! Namana nga ni Maria Letizia Dantes o mas kilala ng netizens bilang “Zia” ang taglay na kagandahan ng kanyang ina na si Kapuso “Primetime Queen” Marian Rivera. Ito ay matapos ibahagi ng aktres ang kanyang baby picture kasama ang mga letrato ni Zia.

Credit: @marianrivera Instagram       

Hindi maitatago ang pagkakahawig ni Zia sa kanyang Mommy Marian noong bata pa lamang ito katulad niya.

Credit: @marianrivera Instagram

Katulad ni Zia ay mayroon ding bangs si Marian. Pati ang ngiti nila ay hawig na hawig din. Kaya tuloy kahit si Marian ay mukhang aminado na rin na kamukha niya ang kanyang napakagandang anak.

Credit: @marianrivera Instagram

Sa caption ay hiningi naman ni Marian ang opinyon ng netizens tungkol sa pagkakahawig nila ni Zia.
Ani Marian, “Parang ako rin daw si Zia noong bata, agree ba kayo?”

Credit: @marianrivera Instagram

Ayon naman kay Marian, ang ipinagkaiba lang daw nila ni Zia ay mas makulit daw ito sa kanya. Aniya, “Katulad nya, laking NIDO 3+ rin ako. Pero sa totoo lang mas makulit ng 1000x ang anak ko. 🤣”

Credit: @marianrivera Instagram

Pinusuan naman ng maraming netizens ang mga letrato ng mag-ina. Maging ang mga netizen ay hindi maiwasan na purihin si Zia dahil sa taglay na cuteness at kagandahan nito. “Agree” umano sila na magkamukha sina Marian at Zia. Narito ang komento ng mga netizen:

Credit: @marianrivera Instagram

“Like mother, like daughter. Soooo cute!!!”

“mini me ate Yan!”

“Agree na agree, Ate Yan! Little Marian talaga si Ate Zia”

Credit: @marianrivera Instagram

“GRABE NAMAN CARBON COPY TALAGA NAPAKA CUTE NA MAG MOMMY”

“agree ang ganda mo.bata pa lng ang ganda na”

May ilang netizens naman ang nagsabi na mas kamukha umano ni Marian ang bunsong anak nila ni Dingdong na si Jose Sixto Dantes IV o mas kilala rin sa kanyang palayaw na “Ziggy”. Komento ng netizens:

Credit: @marianrivera Instagram

“Ziggy talaga eh. si Zia naman carbon copy ni daddy!”

“Mas kamukha mo po si ziggy”

“Parang mas kamukha mo si ziggy”

Credit: @marianrivera Instagram

“First picture looks more ziggy!”

“i think sixto looks more like u”

Samantala, ngayong darating na November 23 na ipagdiriwang ni Zia ang kanyang ika-5 kaarawan.