Marian Rivera, marami ang pinahanga sa kanyang angking ganda nang maging judge sa Miss Universe!

Sino ba naman ang hindi magkakamali sa pagtukoy kay Marian Rivera na pambato ng Pilipinas sa Miss Universe?

Credit:Β @marianrivera Instagram

Kahit saan mang panig ng mundo, talagang nangingibabaw ang mga Pinoy sa iba’t-ibang larangan. Sa paglipas ng panahon, patuloy pa rin ang mga Pinoy sa pagbibigay ng patunay na kayang-kaya rin nating makipagsabayan sa iba at mag-excel pa nga!

Hindi na naman estranghero ang pangalan ni Marian Rivera sa industriya ng showbiz na siyang kinikilalang Kapuso Primetime Queen at isa pang Multi-Awarded Star dahil sa hindi niya matatawarang kahusayan pagdating ng pag-arte. Maliban dito, hinahangaan at tinitingala rin ng karamihan ang aktres dahil sa kanyang angking kagandahan na talagang nagpapahumaling sa mga kalalakihan.

Credit:Β @marianrivera Instagram

Halos hindi naman lubos makapaniwala ang netizens sa katunayang kahit may dalawa ng anak sa gwapong asawa at kapwa artista na si Dingdong Dantes na sina Maria Letizia o “Zia” at Jose Sixto, wala pa ring kakupas-kupas ang taglay na kagandahan ni Marian!

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres, hindi rin maitatanggi ang napakalaking potential ni Marian sa pagiging beauty queen kaya naman marami ang nagkaroon ng impresyon na isa siyang contestant sa Miss Universe!

Ito ay matapos magbahagi si Marian ng mga larawan sa Instagram kuha sa ginawang photoshoot kung saan ay makikitang nakasuot siya ng glamorosong mga gown na gawa ng iilang Pinoy fashion designers katulad nina Mak Tumang, Marc Rancy, Joe San Antonio, Francis Libiran, at marami pang iba.

Napili ng universe upang maging isa sa mga hurado sa internasyonal na pageant, talagang todo ang paghahanda ni Marian katulad na lamang ng ginawa niyang photoshoots.

Credit:Β @marianrivera Instagram

Suot ang naggagandahang gowns, talagang kapansin-pansin ang kagandahan ni Marian sa bawat larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account dahilan kung bakit inulan siya ng papuri galing sa kapwa celebrities at fans niya sa loob at labas ng Pilipinas.

“SUPER GORGEOUS 😍 ❀️😍❀️”

“Effortlessly Beautiful ❀️❀️❀️”

“simula siguro sanggol dimo naranasang pumanget 😒😍 grabeng ganda moooooo πŸ”₯@marianrivera”

Credit:Β @marianrivera Instagram

“Regal Beauty πŸ‘‘β™₯️😍”

Iilan pa nga sa mga ito ay idinaan sa biro ang papuri na pwedeng-pwede umano siyang sumali sa nasabing pageant, hindi bilang isang judge kundi ay isang contestant.

“πŸ‘‘πŸ‘‘πŸ‘‘ ganda i think ikaw ang konoronahan jan hehehehe ❀️,” biro ni Mariel Padilla.

“Marian Rivera claiming her long overdue crown. πŸ‘ΈπŸ»β€οΈ”

 

Credit:Β @marianrivera Instagram

“Our Miss Universe @marianrivera ❀️”