Ang isa sa pinakamagandang aktres ng kanyang henerasyon na si Marian Rivera ay ipinagdiwang ang kanyang ika-37 kaarawan noong Agosto 12.
Credit: @marianrivera Instagram
Sa kabila naman ng umiiral na community qu@rantine, ginawang espesyal ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kaarawan ng kanyang pinakamamahal.
Sa Instagram, ipinasilip ni Dingdong ang intimate birthday celebration na inihanda niya para kay Marian.
Credit: @marianrivera Instagram
Ginanap ang pagdiriwang ng kaarawan ng aktres sa kanilang bahay. At makikita sa mga larawang binahagi ni Dingdong na halos lahat mula sa birthday party ni Marian ay nagsusumigaw ng “class” at karangyaan katulad niya! Tulad ng napakagandang table setup, venue decoration at maging ang birthday cake ni Marian. Sinigurado ng kinuhang event organizer ni Dingdong na si Teddy Manuel na talagang perfect para kay Marian ang kanyang birthday party.
Credit: @marianrivera Instagram
“Basta’t gusto (at within ECQ guidelines) may paraan. At kahit tayo-tayo lang.— pwede naman,” caption ni Dingdong sa kanyang Instagram post.
Nag-post din si Dingdong ng ilang family picture na kuha mula sa birthday party ni Marian. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Marian habang yakap-yakap ang kanyang pamilya.
Credit: @marianrivera Instagram
Pinatunayan naman ni Marian na mayroon siyang “ageless beauty” sa kanyang eleganteng outfit na white jumpsuit na mas lalong nagpatingkad sa kanyang angking ganda!
All-smiles din sa mga larawan ang kanilang mga anak na sina Baby Sixto at Zia.
Isang nakakakilig naman na tula ang isinulat ni Dingdong bilang birthday message para kay Marian. Inihayag ni Dingdong ang kanyang labis na pagmamahal para sa kanyang “mahal” sa kanyang isinulat na tula.
Credit: @marianrivera Instagram
Aniya, “‘Marimar’ ang programa kung saan una ko siyang nakilala at ang tawag ko noon sa kaniya’y suplada pero ngayon, katorseng taon na ang nakalipas mahal na ang tawag ko sa kaniya.”
“Maligayang kaarawan sa mestizang Caviteña, Salamat sa Kanya at may isang Marian Rivera.
oops, Misis Dantes na pala,” dagdag niya.
Samantala, nag-post din si Marian sa kanyang Instagram.
Credit: @marianrivera Instagram
Ani Marian, “Thankful for 37years of life, I am filled with gratitude for all of you and for all the blessings.”
“What I am most thankful for everyday, the gift of family. Maraming Salamat Ama,” aniya sa isang hiwalay na post.
Matatandaang taong 2014 nang ginanap ang mala-royal wedding na kasalan ng Kapuso couple.