Maricar Reyes, emosyonal na ikinuwento ang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay

Bawat isa sa atin ay may nilalabanang pagsubok at minsan, sa napakalaking epekto nito sa ating buhay, may iilan talaga na pinanghihinaan ng loob at napapaisip na lamang ng mga negatibong ideya katulad na lamang ng paglisan sa mundong ibabaw pero imbes na magpadala sa takot at kahihiyan, mas pinili ni Maricar Reyes na ipagpatuloy ang buhay at lagpasan ang pagsubok na halos sumira sa kanyang reputasyon ilang taon na ang nakakalipas.

Credit: @maricarreyespoon Instagram

Tunay nga na walang taong perpekto sa lahat ng aspeto dahil may mga pagkakataon talaga sa buhay na nakakagawa tayo ng maling mga bagay at kahit na’y labis man natin itong pinagsisihan, hindi na naman natin ito maibabalik pang muli kaya ang tanging magagawa na lamang natin ay matuto sa mga aral na hatid ng bawat pagsubok.

Sa latest na episode ng “Toni Talks,” nagbalik-tanaw si Maricar Reyes sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay kung saan ay nasangkot siya sa isang scandal noong taong 2009 na halos wumasak sa kanyang reputation bilang isang aktres pati na rin ng kanyang buong pagkatao.

Credit: @maricarreyespoon Instagram

Matatandaang isa si Maricar sa mga sikat at successful na aktres sa kanyang generation at maliban nito, abala rin siya sa triathlon at iba pa niyang hobbies pero sa pag-aakala niyang mananatili siyang masaya dahil sa magkakasunod na magagandang pangyayari sa kanyang career at personal na buhay, hindi talaga kailanman pumasok sa kanyang isip na masasangkot siya sa isang controversial na issue.

“Actually, sobra akong ‘top of the world’. I had a serye na part ako ng main cast. ‘Lovers in Paris’ iyon, nagte-tape na kami. Hindi pa sila umeere. I just came from taping. I went straight to the race,” pagbabalik-tanaw ng aktres.

“Nag-race ako. Maganda ‘yung time ko and ang saya-saya. Everything was looking good tapos biglang hatak.”

Dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi umano kinaya ni Maricar na i-process ang lahat kaya inabala na lamang niya ang kanyang sarili sa trabaho na inamin niyang napakalaking tulong sa kanyang pagmo-move on.

“Work really helps. Having responsibility na alam ko na people on the set will be depending on me to show up,” aniya.

Credit: @maricarreyespoon Instagram

Sa sobrang sakit ng pangyayari, minsan na talagang inisip ni Maricar Reyes na iwan na lamang ang lahat pero imbes na magpadala sa isyu, mas pinili naman niyang bumangon at ipagpatuloy ang buhay at ngayon, nasa “happiest moment” na siya ng kanyang buong buhay kasama ang kanyang asawa na si Richard Poon.