Napa-throwback ang TV host-vlogger na si Mariel Rodriguez noong nag-aaral pa siya kung saan ang tanging ipinapagawa sa kanila para sa home economics class ay polvoron.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Isa kasi sa mga school activity ng panganay nila ni Robin Padilla na si Maria Isabella ay pagbe-bake ng cookies. At ayon pa kay Mariel, sobrang galing na umano ng mga bata ngayon dahil gumagawa na ang mga ito ng cookies.
“My little baker @mariaisabelladepadilla. She made sugar cookies. Ang galing-galing ng mga bata ngayon. Nung bata ako sa Home Economic polvoron ang ginagawa hehe,” saad ni Mariel.
Kung iisipin, nakakabilib naman talagang makitang nagbe-bake ng cookies si Isabella sa murang edad nitong 5.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, lalo na sa mga estudyante noong araw, na madalas ay simpleng pagkain o recipe lamang ang ipinapagawa noon para sa home economics subject.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Kaya’t ang makita na itinuturo na ang baking sa mga batang tulad ni Isabella sa eskwelahan ay labis na nakakamangha.
Ngunit hindi naman ito bago dahil mas advance na talaga ang itinuturo sa mga bata ngayon. Samu’t saring activities na rin ang ipinapagawa sa kanila na makakatulong sa kanilang development.
Tunay na maraming nagbago sa sistema ng edukasyon natin at kung paano tinuturuan ang mga kabataan ngayon ng maraming kasanayan na kailangan nilang matutunan na magagamit nila paglaki nila.
Pero ang hindi magbabago ay ang katotohanan na ang mga pagbabagong ito ay nangyayari upang mas mabuting maturuan ang mga bata, ayon sa kanilang pangangailangan at ng mundo.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Kabilang nga ang home economics, partikular na ang pagluluto, sa mga itinuturo sa mga bata noon hanggang ngayon sa mga makakatulong sa kanila sa kanilang paglaki.
Hindi lamang kasi isang ‘survival skill’ ang pagluluto kundi maari rin nila itong pagkakitaan sa hinaharap.
Samantala, bukod sa pagbe-bake, may isa pang pinagkakaabalahan ang panganay na anak ng celebrity couple at ito ay ang pagtulong sa kanyang mommy sa pagpa-pack ng mga ibinebenta nitong steak products.
Sa isang post, ibinahagi ni Mariel na tinutulungan siya ni Isabella na maglagay ng mga sticker sa packaging ng ibinebenta niyang steak.
Credit: @marieltpadilla Instagram
“Mommy’s little helper, that is what she is. She put the stickers on the steaks. At a young age, I was exposed to working hard because my grandparents worked every single day. So I let her help out so she knows the value of hard work,” ani Mariel.
Dagdag niya, “Hopefully when she grows up masipag din siya. Proud of my baby girl naman.”