Isa sa mga kinakatakutan ng host at vlogger na si Mariel Rodriguez ay ang maiwan sa kanilang bahay nang walang kasamang kasambahay.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Aminado si Mariel na kaya niya nagagawa ang lahat ng kanyang mga trabaho ay dahil katuwang niya ang kanyang mga kasambahay.
Bukod kasi sa pagiging hands-on mom, ay nagtatrabaho rin si Mariel bilang isang host at business owner.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Kaya naman inamin niyang hindi niya talaga kayang gawin ang lahat ng kanyang trabaho ng walang tulong mula sa kanyang mga kasambahay o yaya.
Ngunit kamakailan ay nasubukan ni Mariel na maiwan sa kanilang bahay nang mag-isa at walang katuwang na yaya sa pag-aalaga sa kanyang mga anak at maging sa paglilinis ng kanilang bahay.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Sa kanyang vlog ay ipinasilip ni Mariel sa marami kung paano niya napagtagumpayan na gawin ang mga responsibilidad niya tulad ng pag-aalaga sa kanyang dalawang anak at paghahatid ng mga order para sa kanyang negosyo na wala ang kanyang mga yaya.
Ayon kay Mariel, kinailangang umalis ng kanyang mga yaya para magpabakuna kaya naman mag-isa muna niyang gagawin ang mga gawaing bahay. Samantala, sinabi ni Mariel na hindi muna siya matutulungan ng mister na si action star Robin Padilla dahil naka-qu@rantine umano ito.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Makikita sa vlog na maaga pa lang ay gising na si Mariel para asikasuhin ang mga ihahatid niyang order para sa kanyang food business. At habang natutulog pa ang kanyang mga anak na sina Gabriela at Isabella ay dali-daling inihatid ni Mariel ang mga order para sa kanyang negosyo.
Pagkatapos maghatid ng order ay agad na inasikaso ni Mariel ang bagong gising niyang mga anak. Isa-isa niyang pinakain ang mga ito.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Dahil mag-isa kaya naman kailangan mag-multitask ni Mariel. Naisingit nga niya na asikasuhin ang kanyang negosyo habang nanunuod ng palabas ang kanyang mga anak pagkatapos niyang pakainin ang mga ito.
Bukod sa pagpapakain, naglinis at niligpit din ni Mariel ang mga pinaglaruan ng kanyang mga anak. Gayunpaman, ipinakita ni Mariel na kahit nagligpit na siya ay marami pa ring nakakalat na mga laruan sa kanilang bahay.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Tila nakahinga naman nang maluwag si Mariel nang malaman niyang pauwi na ang kanyang mga yaya.
Credit: Mariel Padilla YouTube
At nang dumating na ang mga ito ay bakas ang ginhawa at tuwa sa mukha ni Mariel dahil sa wakas ay may katuwang na siya sa mga gawaing bahay at maging sa pag-aasikaso sa kanyang mga anak.
Sa huli ay masasabi ni Mariel na naging masaya ang kanyang karanasan dahil kahit nahirapan siya ay nabigyan naman umano siya ng oras para maka-bonding ang kanyang mga anak.