Mariel Rodriguez, may mensahe sa kanyang numero unong Senador na si Robin Padilla

Simula pa lamang nang inilabas ang partial at unofficial na resulta sa Halalan 2022, nangunguna na sa Sen4torial Race ang aksyon star na si Robin Padilla kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan at pagpapasalamat na nararamadaman ng kanyang asawa na si Mariel Rodriguez na simula pa man noong pangangampanya hanggang ngayon, talagang nakasuporta na ito.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Isa ang TV Host at aktres na si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga taong sumuporta kay Robin Padilla sa pagtakbo nito bilang Senador. Hindi lamang moral ang suportang ibinigay ng aktres para sa asawa dahil suportado rin niya ito financially at sinasamahan sa bawat campaign. Matapos ang mahaba-habang panahon na pangangampanya, hindi naman nabigo si Mariel nang nalaman na nangunguna si Robin sa Senatorial Race kung saan ay kasalukuyan siyang nakalikom ng higit 26M na boto.

Dahil dito, nagpahayag ng kasiyahan at pagpapasalamat si Mariel sa Instagram kalakip ng isang sweet na larawan nila ng asawa.

“My Senator 💚 is #1 😭😭😭 we are beyond grateful!!! Pilipinas, maraming maraming salamat,” sulat ng TV Host-aktres sa kanyang caption.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Bago pa man sumapit ang mismong araw ng eleksyon, todo na talaga ang pag-eendorse ni Mariel sa asawa. Nagbahagi rin siya ng mga larawan at videos kung saan ay matutunghayan ang pagkakaroon ni Robin ng busilak na puso at sinserong dahilan sa pagtakbo bilang S3nador.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Sa isang post ni Mariel noong May 9, makikita sa larawang ibinahagi niya ang pagwagayway ni Robin sa watawat ng Pilipinas. Sa caption naman, inamin ng aktres na special ang pagboto niya ngayong taon dahil isa ang asawa sa mga bobotohan niya bilang S3nador.

Ayon kay Mariel, “I believe in you!!!!! My third time to vote but today is most special because today I AM VOTING FOR YOU, ROBIN PADILLA!!!!!!”

Credit: @marieltpadilla Instagram

Simula pa man noong una hanggang ngayon, talagang nanatili si Mariel sa tabi ni Robin Padilla at palaging nakasuporta kaya naman hindi lamang mismong si Robin o ang sambayanang Pilipino ang nagwagi sa pagkapanalo ng aktor dahil nagdulot din ito ng kasiyahan kay Mariel Rodriguez-Padilla.