Mariel Rodriguez-Padilla, natupad na ang pangarap na maging isang online live seller!

Bago pa man nakilala ang Mariel Rodriguez sa mundo ng showbiz ay naging commercial model na siya para sa isang skin care brand. Kalaunan ay naging isang VJ si Mariel para sa MTV at lumabas sa ilang mga show sa telebisyon.

Credit: Mariel Rodriguez Padilla Facebook

Mas nakilala si Mariel bilang isang host nang maging host siya sa sikat na reality show ng Pinoy Big Brother at mga noontime show.

Ngayon nga ay mas abala si Mariel bilang isang maybahay at nanay sa dalawang magagandang anak na babae pero hindi ito naging hadlang para matupad ang pangarap ni Mariel na maging isang online live seller sa social media.

Kamakailan lang ay naghost ng sarili niyang live selling si Mariel sa kanyang Facebook at Instagram account kung saan ay ibinenta niya ang kaniyang mga pinakamamahal na luxury bags, purses, at shoes.

Credit: Mariel Rodriguez Padilla Facebook

Ilang oras bago ang kanyang live selling ay nagpost si Mariel ng isang announcement at sinabing sa araw na iyon ay matutupad na ang kanyang pangarap ng maging isang online live seller.

“This is it!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tonight i will fulfill my dream to be an online live seller!!!”

Ikwinento ni Mariel na nanunuod daw siya halos araw-araw sa mga live seller at talagang nahumaling umano siya dito.

“I have been watching live sellers almost everyday haha (I swear it’s add!cting!!!😂)”

Credit: Mariel Rodriguez Padilla Facebook

Higit tatlong oras ang itinagal ng live selling ni Mariel kung saan ay nagenjoy talaga ang mga manonood sa kanyang nakakatuwa at nakaaliw na paglalive sellling.

Talaga namang patok na patok ang bagsak presyong paninda ni Mariel at ang kanyang masiglang paghohost kaya naman tinangkilik ito ng marami.

Sobrang natuwa si Mariel sa kinalabasan ng kaniyang online live selling kaya naman lubos ang pagpapasalamat nito sa mga nag-participate.

“Thank you soooooooooo much!!!! Big big big big thanks to everyone who participated in last night’s live selling!!! So happy because nagustuhan niyo ang bagsak presyo items from my hoarding days 🤣 thank you!!!!”

Dinagdag din ng actress-host sa kanyang post na dahil sa dami ng natanggap niyang comments and messages ay hindi niya mabasa ang lahat ng ito.

Credit: Mariel Rodriguez Padilla Facebook

“Apologies because it was so hard for me because ang daming comments I couldn’t read all.”

Mukhang nagbabalak naman na magpart 2 ng live selling si Mariel kapag may mahanap pa siyang ibang mga bagay na maibibenta.

“Hopefully i can find more items here hahaha and we will have a part 2 because i know may maibubuga pa ako 🤣🤣🤣