Para sa karamihan sa atin, ang pagdagdag ng timbang ay maaaring maging nakakabigo lalo na kung ang mga tao sa paligid natin ay pinupuna ito o kung minsan ay nagkokomento ng negatibo tungkol sa ating timbang.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Kabilang naman ang TV host na si Mariel Rodriguez sa mga madalas na makatanggap ng maraming mga puna tungkol sa kanyang timbang.
Matatandaan na noong 2020, marami ang pumuna sa kapansin-pansin na pagdagdag ng timbang ni Mariel.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang pagtaas ng timbang ni Mariel ay sanhi ng kanyang mga nakaraang pagbubuntis.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Si Mariel ay mayroon nang dalawang anak at isa nga sa mga pinakanahihirapan siya ay kung paano mabawasan ang kanyang timbang pagkatapos ng kanyang pagbubuntis.
At kahit na nakakatanggap siya ng maraming mga puna tungkol sa kanyang timbang, hindi naman pinapayagan ni Mariel na makaapekto ang mga negatibong komento ng mga netizen sa kung paano niya tinitingnan ang kanyang sarili.
Gayundin, talagang sinusubukan ni Mariel ang lahat ng kanyang makakaya upang magbawas ng timbang.
At dahil sa kanyang dedikasyon at ‘commitment’ sa pagbabawas ng timbang, nagawa ni Mariel na mabawasan ng 42 pounds o mahigit 20 kilo ang kanyang timbang.
Sobrang proud nga si Mariel na ibahagi ang kanyang tagumpay na nagbigay naman ng inspirasyon sa lahat ng mga kagaya niyang nagsisikap na magbawas ng timbang.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Isang litrato ang ipinost ni Mariel sa kanyang Instagram kung saan kapansin-pansin ang pagliit ng kanyang mukha.
Sa kabilang banda, ibinunyag ni Mariel na ang pagkain ng prutas at gulay ay isa sa mga bagay na nakatulong sa kanyang pagbawas ng timbang.
Ito rin umano ang sekreto ni Mariel para magmukhang glowing pa rin kahit na nagda-diet siya.
“Weight loss Update: as of today i have lost 42lbs horaaaaaaay!!!! 🥳 food intake is very important in any weight loss. So I have been taking in a lot of fruits and vegetables so even though I am dieting I am still glowing,” bahagi ni Mariel sa isang Instagram post.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Ayon naman kay Mariel, kailangan pa niyang magbawas ng 9 hanggang 11 kilo bago niya makamit ang kanyang weight loss goal.
Samantala, napa-wow naman ang ilang kaibigan at kapwa mommy ni Mariel sa showbiz dahil sa mabilis niyang pagbawas ng timbang.
Ilan lamang sina Rufa Mae Quinto, Pauleen Luna-Sotto at Angelika Dela Cruz sa mga namangha sa napakalaking pagbawas ng timbang ni Mariel. Si Mariel ay ikinasal noong 2010 sa action star na si Robin Padilla.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Bukod naman sa pagiging maalaga at mapagmahal na asawa kay Robin, siya rin ay isang full-time mom sa kanilang dalawang anak na sina Maria Isabella at Maria Gabriela.