Nagkaroon ng napakasaya at puno ng pag-ibig na pagdiriwang ng Valentine’s day ang celebrity couple na sina TV host Mariel Rodriguez at action star Robin Padilla.
Credit: @niceprintphoto Instagram
Isang romantic dinner setup ang inihanda ni Mariel para sa kanyang mister na ginanap sa kanilang pagmamay-aring event place na Museo De Padilla sa Quezon City.
Sa mga larawang ibinahagi ni Mariel sa kanyang Instagram account ay makikita na napuno ng mga bulaklak ang buong event place.
Credit: @niceprintphoto Instagram
Walang kupas naman ang ka-sweetan nila ni Robin na kapansin-pansin sa tamis ng kanilang pagtitinginan.
Para sa kanilang romantic date ay suot ni Mariel ang isang itim na bestida habang poging-pogi naman si Robin sa kanyang pulang long sleeve polo at itim na slacks.
Ayon kay Mariel, gusto umano niyang ipagdiwang ang Valentine’s day nilang mag-asawa na sila lamang dalawa.
Credit: @niceprintphoto Instagram
Noong nakaraang taon daw kasi ay para sa kanyang anak at kay Robin lamang ang inihanda niyang Valentine’s date.
Pahayag ni Mariel, “All about love!!! Last year the valentine’s date i prepared was for Isabella & Robin. This year i wanted it to be for us.”
Masaya namang ibinahagi ni Mariel na sa lahat ng kanyang mga inihandang party para kay Robin ay pinakanagustuhan umano nito ang romantic dinner date setup na inihanda niya noong nagdaang Valentine’s day.
Credit: @niceprintphoto Instagram
Kwento ni Mariel, “Among all the parties i prepared for him… this is his favorite to date.”
Dagdag ni Mariel, “He was amazed by how @gary_mindworks transformed @museodepadilla He enjoyed the harp and violin 🎻 by @ryanvillamormusic and his team. He loved the food of @wolfgangssteakhouseph he felt we were not in Quezon City but in another country.”
Sabi pa ni Mariel, kailangan daw talaga ni Robin na makapag-relax para makalimutan pansamantala ang mga mahihirap na pinagdaanan nito.
Credit: @niceprintphoto Instagram
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kamakailan lamang ay namayapa na ang kapatid ni Robin na si dating TV actor Royette Padilla.
Ani Mariel, “After everything that he is going through a night like this is exactly what he needed.”
Sa huli ay pinasalamatan ni Mariel ang lahat ng mga tumulong sa kanya para maging posible ang romantic date nilang dalawa ni Robin.
Credit: @niceprintphoto Instagram
Ani Mariel, “Thank you to everyone who helped make it possible.”
Sina Mariel at Robin ay isang dekada nang kasal. Taong 2010 nang ginanap ang kanilang kasal sa Baguio City. Sa kasalukuyan, may dalawang anak sina Mariel at Robin na sina Isabella at Gabriela.