Excited na ipinakita ni Kapamilya actress at singer Maris Racal sa kaniyang house-tour vlog ang bagong renovate niyang bahay.

Sa kaniyang foyer, sasalubong sa’yo ang isang console table na nagsisilbing shoe rack din ni Maris. Bukod dito, mayroon din itong 4-layer rack kung saan makikita ang lahat ng sanitation products ng aktres.

Sa ikalawang palapag ng bahay, matatagpuan naman ang isang piano kung saan regular na tumutugtog si Maris para mag-ensayo. Dagdag pa rito, mayroon din siyang gallery wall na magkasama nilang idinesenyo ng kaniyang ate at stylist.

Masusing pinili ni Maris ang lahat ng furniture at ornament na makikita sa kaniyang living room para bumagay sa kaniyang green couch.

Pagkukuwento ni Maris, “This is my couch. Fun fact, guys. I only got this couch early this year or late last year. Lahat ng design dito [living room] ganito because of this couch.”

Mula sa kaniyang multipurpose built-in console table na bukod sa lalagyanan ng TV ay ginawang storage rin ni Maris para sa kaniyang filming camera at gadgets. Pinili rin ni Maris na maglagay ng salamin para magmukhang malaki ang kaniyang sala.

Bumagay naman ang kaniyang Acapulco chairs sa round center table ng sala.
Bilang karagdagan sa kabuuang desenyo at look ng sala, naglagay din ng fake plants si Maris at picture frames.
Dahil sa magandang lighting at desenyo, nagsisilbing background at set ni Maris para sa kaniyang mga YouTube vlog ang kaniyang living room.

Isang black wall border naman ang naghihiwalay sa kaniyang sala mula sa dining at kitchen area.
Simple ngunit malinis tignan ang kitchen area ni Maris dahil sa ginamit nitong backsplash tiles pati na rin sa Marble kitchen top nito.
Kung dati, noong hindi pa nare-renovate ang kaniyang bahay, ay isang island counter lang nagsisilbing dining table ng aktres, ngayon ay ginawa na niya itong L-shaped quartz countertop.

Mahilig talaga sa art si Maris dahil sa bawat hagdanan ng kaniyang bahay ay mayroon kang makikitang paintings na nagko-complement sa mga nakalagay na mga halaman dito.

Matatagpuan naman sa ikatlong palapag ang kwarto ng aktres. Pagpasok mo sa loob, kapansin-pansin mustard, nude beige, pink at burnt orange painted bedroom walls ni Maris na siya mismo ang pumili. Bagay na bagay kasi ito sa kaniyang puting kama, bookshelf pati na rin ng ilang nakasabit na paintings. Bukod dito ay mayroon ding isang single sofa chair ang aktres kung saan niya ine-edit ang kaniyang vlogs.

Sa huling bahagi ng vlog, ipinakita ni Maris ang naka-display niyang koleksyon ng gitara. Ilan dito ay bigay pa sa kaniya ng fans. Memorable rin para kay Maris ang gitarang ibinigay sa kaniyang ng Pop Princess na si Yeng Constantino noong nasa loob pa lang siya ng bahay ni Kuya.