Maris Racal, may mga inireveal na detalye tungkol sa relasyon nila ng kanyang nobyong si Rico Blanco

Sa kauna-unahang pagkakataon, detalyadong nagkwento ang 23 taong gulang na singer-actress na si Maris Racal tungkol sa relasyon nila ng dating Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.

Kamakailan, nag-guest si Maris sa Kapamilya variety show na “Magandang Buhay” kung saan ay ibinahagi niya ang ilang nakakakilig na detalye sa relasyon nila ni Rico.

Credit: @mariesteller Instagram

Pagkukuwento ni Maris, sila na ni Rico bago pa nagsimula ang p@ndemya. Dagdag niya, hindi niya inaasahan na suportado ng maraming tao ang relasyon nila ng singer-songwriter lalo na’t malaki umano ang agwat ng kanilang mga edad.

Inamin din ni Maris na noong una ay natakot siya sa magiging reaksyon ng publiko kapag nalaman nang mga ito ang relasyon nila ni Rico.

“Lagi po naming pinag-uusapan pero everytime ganun po ‘yung time, natatakot talaga ako. Napi-pressure ako kasi natatakot ako sa kung ano ‘yung isipin ng mga tao. Kasi strange kasi ‘yung relationship namin because of the age gap,” pag-amin ni Maris.

Credit: @mariesteller Instagram

“But I’m really really surprise sa reaction nila. Hindi ko ini-expect na matutuwa pala sila,” dagdag niya.

Marami namang ibinunyag si Maris tungkol sa relasyon nila ng 48 taong gulang na singer-songwriter.
Isa na rito ang kanilang tawagan o endearment sa isa’t isa.

Credit: @mariesteller Instagram

Nahihiya pa si Maris na sabihin sa publiko ang sweet na tawagan nila ni Rico ngunit dahil pursigido ang host ng show na si Melai Cantiveros na malaman ito kaya naman wala na siyang nagawa kundi sabihin ito.

Tanong ng host na si Melai Cantiveros, “Pero anong tawagan niyo?”

“Ano… Ate Melai, nakakahiya naman magsabi ng… Ang corny, e!” sagot naman ni Maris.

Pamimilit naman ni Melai kay Maris, “Kaunti lang ‘yon, e! Ang pag-ibig ba is for all ages.”

Credit: @mariesteller Instagram

Sa huli, sumuko na nga si Maris at inamin na ang tawagan nila ng kanyang nobyo.

Ani Maris, “Ang corny, Ate Melai, talaga. Ano…’Boms.’ Yuck (laughs). Kadiri! Kadiri!”

“Para sa ‘min lang naman ‘yon hindi corny, pero ‘pag sabihin ko na pala dito, ang corny pala,” natatawang dagdag ni Maris.

Natanong din si Maris kung ano ang mga ginagawa ni Rico na labis na nagpapakilig sa kanya.

Ani Maris, “simple” lamang si Rico bilang nobyo at ang simpleng pagbibigay umano nito ng bulaklak ay naghahatid ng kilig sa kanya.

“‘Yung ano lang… Madami naman. Simple lang naman kasi si Rico na boyfriend. Parang hindi naman siya yung tipong araw-araw nagbibigay ng bulaklak,” bahagi ni Maris.

Credit: @mariesteller Instagram

Dagdag niya, “Every time nagbibigay siya ng flowers, gano’n, kinikilig ako kasi hindi siya gano’n naman, e. Simple lang siya. So every time na may bibigay siya, parang…kilig ako.”

May 2021 nang unang lumabas ang balitang magkarelasyon sina Maris at Rico na unang nagkasama sa isang proyekto noong 2019 para sa kanilang kantang “Abot Langit.”