Marjorie Barretto, binuksan na sa publiko ang kanyang bahay bakasyunan na River Garden Resort

May mga tao talagang hindi basta-bastang nalilimutan ng netizens lalo na’t labis ang kasikatang tinamasa nila noong nasa spotlight pa lamang sila katulad na lamang ni Marjorie Barreto na hanggang ngayon ay nananatiling isa mga kilalang pangalan sa showbiz at patuloy pa rin na sinusubaybayan ng karamihan.

Credit: @rivergardenresthouse Instagram

Super sikat at isa sa mga aktres na may pinakamalaking fandom sa industriya ng showbusiness, hindi pa rin naging madali ang buhay artista ni Marjorie. Hindi naman na bago sa netizens ang pagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng magkakapatid na Barretto ngunit dahil sa hindi nila matatawarang husay at galing sa pag-arte, nagawa pa rin nilang mapanatili ang kanilang kasikatan.

Masaya man sa kanyang career, hindi naman nagtagal nang napagdesisyunan ni Marjorie na lisanin ang showbiz upang magkaroon ng simple at normal na buhay.

Kung noo’y exposed at open sa publiko ang lahat ng kaganapan sa kanyang buhay, sinigurado naman ni Marjorie na mananatiling pribado ang kanyang personal na buhay simula nang huminto siya sa showbiz. Kaya naman hanggang ngayon ay uhaw na uhaw ang kanyang fans na malaman ang mga updates sa iniidolo nila.

Credit: @rivergardenresthouse Instagram

Kamakailang lang nang nagbahagi ng isang vlog si Marjorie sa kanyang YouTube channel kung saan ay ipinasilip na rin niya sa wakas ang kanilang rest house sa Calumpit, Bulacan na kung tawagin nila bilang River Garden.

Ilang taon din na lumayo sa spotlight, talagang marami ang curious sa kalagayan ngayon ng dating aktres. Pero hindi rin maitago ng netizens ang kanilang pananabik sa gagawing tour ni Marjorie sa kanilang pribadong family resort na hindi niya kailanman nagawang ipasilip ng buo noon sa publiko.

“The reason why I’m sharing this rest house with all of you is because little by little, I am sharing a little bit of my private life with all of you,” sabi ni Marjorie.

Pagkukuwento pa niya, napaka-importante umano ng lugar na ito para sa kanilang pamilya dahil natunghayan umano ng River Garden ang paglaki ng kanyang mga anak at marami na rin silang nabuong memories na talagang hinding-hindi niya malilimutan.

“I’m sharing this special place with all of you because this is where the kids grew up. We have so much memories here,” ayon kay Marjorie.

Credit: @rivergardenresthouse Instagram

Dagdag pa niya, “We’ve shared several photos but I know you’re curious to see how it looks.”

Matapos buhayin ang kuryosidad ng netizens tungkol sa mga ibinahaging mga larawan ng pamilyang Barreto sa River Garden, nagkaroon na rin ng tour si Marjorie sa kanilang property.

Marami naman ang natuwa sa katotohanang unti-unti nang binubuksanni Marjorie ang kanyang puso sa publiko na matagal ng hiling ng kanyang fans na hanggang ngayon ay walang-sawa pa rin sa pagbibigay ng suporta sa kanya.